EIGHT

99 32 1
                                    

(Ash POV)

Wala kaming trabaho ngayon kaya naisipan kong puntahan si steph sa condo nya.

tinatawagan ko siya pero mukhang tulog pa ito.

mabuti nalang at kilala na ako ng lahat ng guards kaya pinapayagan na akong makapasok kahit na di na tawagan pa si steph.

may susi naman din ako ng condo nya kaya diretso lang ako sa loob.

pagkapasok ko ay nangangamoy masarap na pagkain kaya naexcite ako dahil alam ko ng nagluluto si steph.

nagulat ako ng makita kong may kasamang lalaki si steph.

kahit nakatalikod ito ay alam kong si japs ito.

anong meron ha?

halatang gulat na gulat si japs pero si steph naman ay natatawa tawa lang dahil sanay naman itong lumalabas masok ako sa condo nya.

si japs kasi nakiusap siya na ipag bake ko yung mom nya ng birthday cake.

nilisikan ko naman ng mata si japs.

ang dami daming bakeshop bakit kay steph?

halata kong mautal utal si japs sa pagsagot sakin.

e-eh k-kasi mas okay kung kilala yung gumawa diba?i-i m-mean delikado ngayon ang panahon kaya mas okay kung hindi na kung saan saan pa.

ah sus sus!! so birthday?tapos may cake?malamang may handaan yan pwede ba kami sumama ni steph?

psssttt nakakahiya ano ka ba!

saway naman sakin ni steph.

cheee bakit may bayad ba yang cake?

wala.

o edi makikikain nalang tayo sa kanila ikaw talaga di ka marunong maningil e.

inirapan lang ako ni steph at tinuloy nalang ang pagdedesign sa cake.

oo naman invited naman talaga kayo e,tsaka gusto ko din kayo ipakilala kay mama.

totoo ba?kami ba ang gusto mo ipakilala kay tita mine o si steph lang?kasi kilala naman na ako nila e?sabhin mo lang akong bahala sayo!

tumawa lang si japs samantalang si steph naman ay halos lumuwa na ang mata kakadilat sakin para lang pigilan ako sa mga sasabhin ko.

para sakin naman kasi okay na okay ako kung si japs na ang magiging bf or manliligaw ni steph.

matagal ko na itong kilala pati ang pamilya nila kaya alam kong galing ito sa mabuti.

kita ko din naman na parang lumalabas ang totoong ngiti at tawa ni steph kapag magkausap sila.

kaya kung ano man ang namumuong something sa kanilang dalawa ay tutulungan ko pa sila.


(Steph's POV)

Maaga akong nagising siguro dahil alam ko namang pahinga ko ngayon.

naligo na agad ako bago nag breakfast.

inaasahan kong nandun si grace pero mukhang hindi ito umuwi kaya parang medyo tahimik ang mundo ko.

habang kumakain ako ay biglang nag ring ang phone ko.

akala ko si ash lang ito ngunit nagkamali ako.

biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil nakita kong si japs ang tumatawag sakin.

huminga na muna ako ng malalim at tsaka sinagot ito.

Hello?

hello steph?
nagising ba kita sorry ha?

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon