FIFTY EIGHT

103 5 1
                                    

3 DAYS LATER

(Japs POV)

Japs bilisan mo kaya dyan!!

kakamot kamot ako ng ulo ng sunod sunod na kalabugin ni ate ang pinto ng kwarto ko.

oo eto na!

sigaw ko at tsaka nagmadali ng kunin ang acoustic guitar ko.

bago pa man makalabas ay tiningnan ko pa muna ulit ang sarili sa salamin.

nakawhite na puma ako at black pants.

bakit ba kasi minamadali niyo ako?lalo lang akong tumatagal e.

sabi ko kina ate na nakaabang sa tapat ng kwarto ko.

hays kuya ang tagal mo kaya,baka naman hindi pa mabanguhan si ate steph sayo niyan ha?

sabi naman ni frances na binubundol pa ako.

napailing nalang ako at tsaka nagpaalam na kami kay mama.

nagmaneho na agad ako papunta sa venue kung saan gaganapin ang proposal ni rj kay angel.

5pm na kaya malamang ay nandoon na ang lahat maliban kay angel na dapat ay huling dadating ayon sa napagplanuhan.

pagkarating naming tatlo ay nandoon na nga ang lahat.

nilibot ko naman ang tingin ko pero hindi nakikita ng mga mata ko ang gusto kong makita.

wala pa siya bro.

bati sakin ni rj na nakangiti ng nakakaloko.

tinext ko siya kagabi,sabi ko sunduin niya si angel para sabay na sila pumunta dito,ang kaso walang reply pati mga tawag ko ay hindi niya sinasagot.

nag alala naman ako dahil sa sinabi ni rj sakin kaya agad akong lumabas para macontact si steph.

nakailang try na ako pero hindi nga siya sumasagot.

sinabi kong susunduin ko nalang si steph sa condo nito ang kaso ay sabi nila na baka magkasalisi kami ni steph kaya maghihintay nalang kami.

7pm ay ayos na ang lahat.

naghihintay nalang kami sa pagdating ni steph at angel.

maya maya ay sinabi nila shanne na natanaw na nila si angel na papasok kaya naghanda na kami para sa pagkanta namin.

kumanta kami ng may minamahal habang naglalakad si angel.

agad naman siyang pinaupo sa gitna at nilapitan naman ito ni rj habang kumakanta.

napapangiti kaming lahat dahil sa eksenang ito.

pero hindi ko maiwasang magkataka kung bakit wala ngayon si steph.

ilang beses akong nagkakamali ng lyrics dahil patingin tingin ako sa labas.

nang lumuhod na si rj sa tapat ni angel ay naririnig na namin ang mahinang pag iyak ng mga babae.

kahit kaming mga lalaki ay naluluha dahil ang bunso namin ay nahanap na ang babaeng nakalaan para sakanya.

kumakain na ang lahat samantalang ako ay nakaupo lang sa gilid.

bigla namang tumabi sakin si angel kaya napalingon ako sakanya.

darating yon wag kang mag alala,late lang siya,o ayan na pala siya,hello neng.

agad naman akong napatingin sa pinto at nakita ko agad ang magandang mukha ni steph.

naka white crop top ito kaya medyo nakalabas ang tiyan nito,pagkatapos ay naka ripped jeans siya na black.

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon