THIRTY FOUR

85 8 1
                                    

November 2020
(Thursday)

AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Pahina by KISS N TELL while reading this part]


(Ash POV)

sobrang saya ko ngayon dahil isa na sa mga gusto kong gawin bago ako mawala ang natupad.

kahit na sarado ang up diliman ay masaya padin ako dahil kasama ko si steph dito at nakain namin ang mga dati na naming paboritong pagkain malapit lang dito nabibili.

iniwan namin ni chael sina steph at rj sa tapat ng up samantalang naglakad lakad naman kami ni chael.

nakaupo kami sa ilalim ng isang malaki at matanda ng puno.

hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni chael.

hinawakan nya ang kamay ko.

thankyou kasi ksama ka sa nagplano na makabalik ako dito.

narinig ko ang mahinang buntong hininga ni chael.

wala yun,ang gusto ko lang palagi masaya ka.

hindi ko alam kung bakit binigay ng diyos sa akin si chael,para bang napakabuti kong tao.

ramdam ko na malapit na akong mawala chael,lalo na ngayon na may isa na sa mga gusto kong gawin at mangyari ang natupad.

habang binabanggit ko ito hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.

tumunghay ako at tsaka humarap sakanya.

hinawakan ko ang pisnge nya at tsaka diretso lang na nakatitig sa mga mata nya.

hindi natin alam kung kelan ako kukunin ni lord,pwedeng abutin ako ng 3 months,pwedeng hindi o kaya naman pwedeng mas mahaba pa.

inaalis ni chael ang kamay ko sa mukha nya pero hindi ko siya binitawan.

kita ko sa mga mata nya na pinipigilan nya ang mga luha nya.

mahal kita chael,kaya ngayon pinapalaya na kita,malaya ka ng magmahal ng iba.

nang bigkasin ko ang mga salitang ito ay tuluyan nang bumuhos ang mga luha naming dalawa.

napakaswerte ng babaeng mamahalin mo,patawarin mo ako kung kailangan kong mauna sayo ha?

mahal na mahal kita ash,hindi kita kakalimutan kailan man,ipangako mong hihintayin mo ako kung saan ka man pupunta.

pangako,maghihintay ako.

niyakap nya ako ay sabay hinalikan sa noo.

kahit na masakit sakin ay hindi ako nagdalawang isip na gawin ang bagay na ito.

ayokong maging unfair kay chael.

ayoko din na kung mawala ako ng biglaan ay magdadalawang isip siya na magmahal ulit.

pagkatapos naming mag usap ni chael ay nagpaalam nadin kami ni steph.

sumakay na kami ni steph sa kotse nya.

napansin ko namang tahimik si steph at parang tulala.

pst bes ayos ka lang?

tanong ko naman sakanya.

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon