THIRTEEN

92 24 2
                                    

(Japs POV)

maaga kaming nagpunta dito sa bahay nila carl dahil may tv guesting kami sa makalawa.

pagdating ko ay nandon na sila ash at steph.

kitang kita ko ang itsura ni steph parang nag iba siya,para bang ang saya saya ng itsura nito.

natuwa ako dahil nakikita ko siyang ganito pero nagtataka lang ako na kung anong dahilan nito.

unang pumasok sa isip ko na baka dahil ito sa patay na ang issue tungkol sa janie or tungkol samin.

mabuting tao si steph at alam kong ayaw nyang may natatapakang ibang tao.

bigla ko namang naalala na kaya nawala ang issue na iyon dahil sa napalitan ito.

kumakalat naman ngayon ay ang tungkol sa pagbabalikan namin ni tine.

inalis ko na sa isip ko ang mga bagay na iyon dahil hindi ako makatapos sa pag aayos ng gitara ko.

habang nag aayos ako ay napalingon ako sa pwesto ni steph.

nagulat ako sa nakikita ng dalawang mata ko ngayon.

tinabihan ni rj si steph.

nagulat ako dahil bakit parang biglang naging close silang dalawa.

kitang kita ko ang mga ngiti ni steph na kahit na minsan ay hindi ko pa nakita.

hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila dahil malayo ako kung saan sila nakapwesto.

pero halata kong masaya si steph dahil sa mga ngiti at tawa nito.

hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko sa mga oras na ito.

nakita kong napalingon si steph sa pwesto ko.

pinilit kong alisin ang tingin ko sa kanila at tinuloy ang ginagawa ko.

pero parang nawalan na ako ng gana bigla kaya nagpaalam na muna ko kila carl na sa baba na muna ako habang hindi pa ayos ang lahat.

umupo ako at nag isip.

hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang naramdaman ko ng makita kong masaya si steph sa iba.

pero mas lamang padin ang saya ko dahil nakita ko na ang mga ngiti ni steph na alam kong totoo.

masaya akong nakikita kang masaya.

bulong ko sa sarili.

nakatulala lang ako sa kawalan.

habang nakaupo ako sa terrace nila carl ay biglang nag ring ang phone ko.

tiningnan ko kung sino ito.

parang ayoko itong sagutin pero naisip ko na baka importante kaya sinagot ko nadin.

Hello?

hello anak?

ma?bakit # ni tine gamit nyo?

nandito kasi siya tsaka gusto ko lang sabihin na umuwi ka ng maaga sabay sabay tayong kakain nila tine dito.

huh?hindi ko pa sure ma if maaga kami matatapos.

basta hihintayin ka namin.
hangga't wala ka hindi pa kami kakain.

e kasi ma---
ma?

hindi ko na natuloy ang sasabhin ko dahil pinatay na ito ni mama.

umakyat na ako agad para matapos na kami sa pagrerehearse at makauwi ako ng maaga.

6:15pm nang matapos kami sa at inayos ko na agad ang mga gamit ko para makauwi na dahil naghihintay panigurado si mama.







Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon