AUTHOR'S NOTE
[Please listen to Paano Ba Ang Magmahal by SARAH GERONIMO and PIOLO PASCUAL while reading this part]
(Steph's POV)
Akala ko ay magbabago na si tine pagkatapos ng nangyari sakanya.
hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan para maging ganun siya kagalit sakin.
alam ko naman na sila padin ni japs e.
pero bakit ganun nasasaktan padin ako.
lalo na ngayon na para bang pinaglalaruan ako ni japs.
ano ba yung mga pinapakita niya sakin?
bakit ba nagpapakita siya ng pake sakin?
ano bang trip niya?
ang uto uto mo naman kasi steph e,bakit ba hindi ka nadadalang masaktan.
pagkasabi ko nito ay kusang tumulo ang mga luha ko.
ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko sa mga oras na ito.
bumiyahe na ako papunta sa cavite at dumiretso na muna ako sa lifetime land.
9pm ay nakapag park na ako.
pagkarating ko sa taas ay parang naramdaman ko nanaman ang nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha.
bigla namang pumasok sa isip ko ang mga taong nakasama ko dito noon.
una si daddy,pero ngayon wala na siya.
si ash,kung alam ko lang na gusto niya palang makapunta dito sana dinalasan na namin,yung unang beses niya ay yun nadin pala ang huli.
si rj na ngayon ay masaya na dahil nandyan na si angel,masaya din ako dahil nakikita kong mahal na mahal nila ang isa't isa.
at ngayon si japs,si japs na nagpapagulo ng isipan ko noon pa.
hindi ko alam kung kelan ko siya nagustuhan.
pero ang natatandaan ko lang ay masaya ako kapag siya ang kasama ko.
yung tipong saya na parang wala ng bukas.
pero ngayon na may naapektuhan sa kasiyahan ko.
siguro kailangan ko na siyang iwasan at kalimutan.
kahit na siya lang naman talaga ang laman ng puso ko.
11pm ay nakauwi na ako.
nagulat ako ng pag akyat ko ay nakaupo si angel sa tapat ng pinto ng condo ko.
neng?anong ginagawa mo dito?
tumayo agad siya ng marinig niya ako.
bakit hindi ka pa pumasok sa loob?
nakangiti siya sakin pero halata kong pilit lang ito.
bigla naman niyang itinaas ang dalawang plastic bag na dala dala niya.
nang makita ko ang laman ay nakumpirma ko ng may isipin ito kaya gustong mag inom.
agad kaming pumasok.
nagpalit na muna kami ng damit,pagkatapos ay sa living room kami dumiretso.
naupo kami sa sahig.
BINABASA MO ANG
Sino?
FanficStephanie,mahal kita. - Japs Mahal kita Steph. - RJ (Kilalanin ang isang babaeng nabitter dahil sa unang beses palang nitong umibig ay nabigo na ito at nasaktan. Magbabago pa ba ang pananaw nito sa pag ibig? O habang buhay na itong makukulong sa pan...