JANUARY 2021
Steph's 22nd Birthday
(Saturday)(Japs POV)
Hindi ko inaasahan ang pagbabalik ni tine at tumaon pa ito ngayong birthday ni steph.
kagabi palang ay gusto ko ng pauwiin si tine pero halatang ayaw nito dahil nalaman niya pa na nandito si steph.
hindi pa namin napag uusapan ang tungkol sa aming dalawa dahil sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para dun.
7am palang ay gumising na ako para tawagan si ash pero hindi ito sumasagot.
maya maya ay inulit ko ulit na tawagan siya at sinagot nya naman na agad ito.
Hello japs?
bakit ngayon ka lang sumagot?
nakipag vc kasi si steph e,bakit ano ba yun?
gising nadin pala si steph pero hindi pa naman siya lumalabas.
magbago na tayo ng plano,si frances ng bahala kay steph,mukhang hindi aabot kung hihintayin kong makaalis si tine e.
hay naku japs bakit ba kasi nandyan si tine ha?kayo na ba ulit?
hindi ako sumagot sa tanong na iyon ni ash at iniba nalang ang usapan.
basta kapag umuwi na si tine,bibiyahe ako agad agad.
siguraduhin mo lang japs ha?ikaw nagplano plano nito tapos mawawala ka,sige na bye na,ingat.
pagkababa ni ash ng tawag ay lumabas na ako dahil siguradong gising nadin si tine.
tama nga ako dahil nasa kusina na siya at inihahanda na ang niluto.
hi babe,nagluto ako ng fried rice with bacon and egg,let's eat?
bigla ko namang narinig na may nagdoorbell kaya tumakbo ako.
natawa naman ako dahil nagkasalubong pa kami ni frances na tumatakbo din dahil alam namin kung ano ang dumating.
hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko kung ano ang idineliver.
pagkabayad ko nito ay agad binuksan ni frances ang dalawang box.
omg kuya sobrang pretty ng heels ni ate steph,pati itong black dress nya sobrang bagay talaga to sakanya,can't wait to see her habang suot suot nya na ito.
nakangiti lang ako habang sinasabi ito ni frances.
o ano kuya bilib ka na ba talaga sa taste ko?sabi ko naman sayo e.
proud na proud pa ito habang tinititigan padin ang binili kong damit para kay steph.
kinuha ko naman sa pagkakahawak ni frances ang dress at tinitigan ito.
hindi ba parang masyado naman atang maiksi ito frances?feeling ko hindi sanay si steph sa ganito.
agad naman nagbago ang mukha ni frances at sinundot pa ako sa tagiliran nang sabihin ko ito.
ay kuya ha?iba na yan,hindi pa kayo ni ate steph pinagbabawalan mo na agad?
binatukan ko naman ito ng mahina at tsaka nilagay na sa kahon ang mga gamit ni steph at ipinasok ito.
nagulat ako ng makitang nakaabang pala si tine sa salas at nakatayo ito.
bigla ko namang naalala ang inihanda nito para sakin.
ah tine,tara kain na tayo,frances sumabay kana samin.
sabi ko bilang pambawi pero hindi ito umimik at ibinaba ang tingin sa hawak kong dalawang box.
BINABASA MO ANG
Sino?
FanfictionStephanie,mahal kita. - Japs Mahal kita Steph. - RJ (Kilalanin ang isang babaeng nabitter dahil sa unang beses palang nitong umibig ay nabigo na ito at nasaktan. Magbabago pa ba ang pananaw nito sa pag ibig? O habang buhay na itong makukulong sa pan...