(Steph's POV)
8am nang magising ako.
para pa akong nagulat kung bakit ako nandito ngayon sa kwarto ni ash.
muntik ko ng makalimutan na halos mamatay ako kahapon sa sobrang pag aalala kay ash.
tumayo na ako at nilapitan siya.
tulog na tulog padin ito.
pawis na pawis siya kaya kumuha ako ng face towel para dampian ang noo nya.
nakakapagtaka lang dahil ako nga ginaw na ginaw na sa sobrang lamig tapos sasamahan pa ng malakas na aircon pero siya ay grabe magpawis.
kagabi lalo sobrang init na init siya siguro nga dahil masama ang pakiramdam nya.
pero okay nadin na pinagpapawisan na siya ngayon kesa naman mainit siya dahil sa lagnat.
nagshower na muna ako habang tulog pa si ash.
kukuha na sana ako ng damit sa cabinet nya para manghiram ng susuotin nang bigla siyang sumigaw.
wag mong bubuksan yan!
napalingon naman ako agad sakanya.
nakakapagtaka na ganun niya ako sigawan.
dati naman kahit basta basta lang ako kumuha ng gamit nya ay wala lang sakanya dahil ganun din naman ako sakanya.
bes hihiram lang sana ako ng damit.
pwede ba?dahan dahan siyang tumayo papalapit sakin.
pumasok kana sa bathroom iaabot ko nalang sayo!
kahit mahina ang boses nya ay ramdam ko ang inis nya dahil sa diin ng pananalita nya.
inisip ko nalang na kaya lang ito ganito dahil na may sakit siya.
pagkatapos ko ay nakasabit na pala sa door knob ang damit na susuotin ko.
nang makabihis na ako ay nilapitan ko si ash.
nakapikit ito pero alam kong gising siya dahil gumagalaw ang mata nya.
hinawakan ko siya sa balikat.
kinapa ko ang noo at leeg nito.
mainit padin siya.
ano naman kayang dahilan ng paglalagnat mo e kahapon lang okay ka pa naman.
nilagyan ko siya ng kool fever patch sa noo para mabawasan ang init nya.
pawis na pawis padin siya kaya binuksan ko din ang ceiling fan kahit na may aircon na.
bes mauuna na ako ha?
magpagaling ka.hinalikan ko pa siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto nya.
hanggang sa maisara ko ang pinto nya ay nakapako lang ang mga mata ko sakanya.
pagharap ko nagulat ako na nakatayo si rj sa harapan ko.
para akong biglang nanigas dahil sa ngiti nya sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
Sino?
FanfictionStephanie,mahal kita. - Japs Mahal kita Steph. - RJ (Kilalanin ang isang babaeng nabitter dahil sa unang beses palang nitong umibig ay nabigo na ito at nasaktan. Magbabago pa ba ang pananaw nito sa pag ibig? O habang buhay na itong makukulong sa pan...