TWENTY FOUR

69 10 1
                                    

(Ash POV)

Hindi ko maimulat ang mga mata ko ng maayos.

mommy?mommy?

mahinang tawag ko kay mom at agad namang may pumasok sa loob ng kwarto.

hindi ko alam kung nasaan ako kaya nilibot ko ang paningin ko dito.

nurse!

sigaw ni mommy.

agad naman chineck ng mga nurse ang vital signs ko.

hindi ko maigalaw ang katawan ko.

gusto kong maupo at itunghay ang ulo ko pero nanghihina ako.

pagkalabas ng nurse lumapit sakin si mommy.

anak kamusta ka?
anong nararamdaman mo?

mom si steph po?

hinalikan pa ako ni mommy sa noo bago sa lumabas ng kwarto.

nagulat ako nang makita ko si steph na palapit sakin.

nagtaka ako itsura nito.

gulo gulo ang buhok,namumutla,at parang nanlalata ito,halata ko din na wala itong tulog dahil putok na putok ang eye bags.

naupo siya sa paanan ko.

hindi siya tumitingin sakin.

bes?

tawag ko sakanya.

hindi ito lumilingon sakin.

ilang minuto din kaming tahimik at walang imik.

hindi ko nadin kasi alam kung ano pa ang pwede kong sabihin sakanya dahil malamang ay may tampo ito sakin sa di ko malamang dahilan.

maya maya bigla siyang nagsalita na sadyang ikinalakas ng tibok ng puso ko.

kelan mo ba balak sabihin sakin natasha?

kahit na wala pa siyang sinasabi ay ramdam kong alam nya na ang tungkol sa sakit ko.

ang alin bes?
grabe ha buong pangalan talaga?

pinilit kong magkunwari na wala akong alam sa sinasabi nya.

hindi ako nakikipag biruan natasha!
kelan mo balak sabihin sakin na malapit ka ng mamatay!kelan!

malakas na pag iyak nya na ang sunod na narinig ko.

hindi ko nadin napigilan pang umiyak nang makita ko na sobrang nahihirapan siya.

pinilit kong makaupo para malapitan siya at mayakap.

agad naman siyang lumapit sakin at niyakap ako ng sobrang higpit.

bes sorry,ayoko lang na mag alala ka pa sakin.

ayaw mong mag alala ako sayo kaya hahayaan mo lang na hindi ko malaman na mawawala ka na pala?
ganun ba yun?

parang paulit ulit akong sinasampal ng mga salitang malapit na akong mawawala at mamamatay.

bes matagal pa naman yung 3 months e,pwede pa natin magawa lahat ng mga bagay na hindi pa natin nagagawa.

pinipilit kong ipakita kay steph na aabot pa ako ng tatlong buwan.

umaasa ako sa sinabi ng doktor na aabot pa ako ng 5 months,pero hindi ko pwedeng sabihin ito kay steph dahil baka umasa lang din siya pagkatapos ay hindi naman mangyari.

aabot ka pa naman ng birthday ko bes diba?

pinilit kong ngumiti sakanya habang tumatango.

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon