FORTY THREE

72 9 1
                                    

JANUARY 2021
(Thursday)

(Steph's POV)

pwede bang dito ka muna?

huh?dito sa kwarto mo?

yes please,ayokong mag isa.

napatayo ako ng marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko.

humawak ako sa ulo ko ng mapagtanto kong panaginip lang pala ito.

parang naririnig ko ang boses nya pero hindi ko talaga makita at maalala ang mukha nya.

kinuha ko ang phone ko dahil wala padin itong tigil sa pag aalarm.

nang tingnan ko ito ay ang sinet ko palang note ang tumutunog.

bigla kong naalala si rj dahil dito.

naalala ko ang pag uusap namin kagabi.

napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko ang pag iyak niya sa harapan ko.

pagkatapos ng pag uusap namin kagabi ay parang nawala ang bigat na matagal ko ng dinadala.

ngayong araw ay alam ko simula na ito para tuluyan ko na siyang alisin sa isip at puso ko.

nag isip naman ako kung dapat ko na bang alisin ang paalala na ito na nakasanayan ko na simula ng masaktan ako.

sa huli ay binura ko nadin ito.

sa tingin ko ay hindi ko na kailangan ng ganitong paalala.

agad akong kumilos at naligo dahil may trabaho pa ako ngayon.

6am ay umalis na ako sa condo ko.

dumaan muna ako sa bake shop para bilhan ng chocolate cake si ash at dadaanan ko muna siya sa bahay nila.

pagdating ko ay sinalubong na agad ako ni tito at tita.

hi stephanie,wag ka ngang pagala gala at 2 days nalang birthday mo na.

sabi ni tito sakin sabay halik sa ulo ko.

good morning po sainyong dalawa,hindi naman totoo yun tito.hahaha

sabi ko naman at sabay ko silang niyakap.

nasa kwarto pa si ash,tulog na tulog pa,puntahan mo na.

ngumiti naman ako kay tita at tsaka umakyat na ako sa kwarto ni ash.

nagulat ako nang makita siyang nakadapa sa kama.

nakatalikod siya sa pwesto ng pintuan kaya hindi ko alam kung nagsusulat ba ito o naglalaptop.

goodmorning bes.

pagkasalita ko ay bigla siyang nagmadali at itinago agad ang hawak na papel at ballpen sa cabinet nya na may susi at binulsa ang susi.

a-ah goodmorning,p-papasok ka na?

halatang halata kong pinipigilan nyang mautal dahil alam kong alam nyang nahahalata kong may tinatago siya sakin.

hindi ko nalang inulirat pa ito dahil baka importante lang na ayaw nya munang sabihin sakin.

tumabi ako sa kanya at naupo din ako sa kama nya.

bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

bes hanapin mo si unknown guy,alamin mo kung sino siya.

nagtaka naman ako sa sinabi nya kaya napatayo ako.

ano bang sinasabi mo?hindi ba sinasabi mo sakin na baka kathang isip ko lang siya?na baka lasing lang ako noon kaya ko siya iniisip.

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon