FLASHBACK
4 YEARS AGO
5pm palang pero halos mapuno na ang buong bar na pinagtatrabahuhan ko.
habang naka standby ako para sa pagpeperform ko ay natanaw ko ang isang babae.
sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito sa bar ay ngayon ko lamang siya nakita.
hindi ko alam kung bakit sinusundan siya ng mga mata ko hanggang sa makaupo na siya.
halata kong hindi ito sanay sa ganitong lugar.
maganda siya,sobrang ganda.
isang simpleng babae,morena,hindi ganun katangkad,sa tingin ko ay hanggang sa balikat ko lamang siya.
ikaw na susunod.
nagulat ako nang biglang sabihin ito ng anak ng may ari ng pinagtatrabahuhan ko.
agad kong tinono ang gitara ko at tsaka pumwesto na sa stage.
ilang oras na ang nakalipas at nakailang kanta na ako,ilang request nadin ng mga customers ang napagbigyan ko.
nagulat ako ng biglang may sumigaw na babae.
kaya napahinto ako sa pagkanta at tiningnan ko siya.
hoy pwede bang bumaba ka dyan at ang ingay ingay mo!
pagkasabi niya nito ay agad niyang ibinato ang isang bote ng beer at tumama ito sa ulo ko.
napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakabato niya.
mabuti nalang at medyo daplis ito at sa sentido ko lang tumama.
nang tingnan ko ito ay nagdurugo ito.
tiningnan ko muli ang babae at agad itong binuhat ng mga bouncer at inilabas sa bar.
nagsisigawan naman ang mga tao dahil sa duguan kong sentido.
hindi ko alam pero parang may nag utos saking sundan siya kaya agad kong binuhat ang gitara ko.
isinuot ko din ang jacket ko at face mask at tsaka mabilis na lumabas.
nakita ko siyang nakahiga sa sahig habang kalat kalat ang laman ng bag sa kalsada.
tumayo siya at nakita kong hilong hilo ito kaya agad akong tumakbo para saluhin siya at hindi mabagok ang ulo.
ngayong hawak ko na siya sa bewang at likod ay napatingin ako sa maganda niyang mukha.
nakatingin din siya sakin pero alam kong hindi niya ako nakikita dahil nasisilaw ang mga mata nito mula sa ilaw.
nagulat ako nang bigla siyang sumuka at nasalo ito lahat ng jacket ko.
tsk!
ang tanging nasabi ko dahil sa sobrang inis.
hanapin mo yung necklace ko please.
bulong niya sakin at tsaka biglang ipinikit ang mga mata.
binuhat ko siya at dinala sa kotse ko.
at tsaka binalikan ko ang mga gamit niya na nakakalat sa sahig.
habang dinadampot ko ang mga gamit niya ay nakita ko ang isang bagay.
pagdampot ko nito ay tinitigan ko ito.
gold necklace with heart pendant.
ito yung sinasabi niya sakin.
agad kong ibinulsa ito para maibigay ko mamaya sakanya.
BINABASA MO ANG
Sino?
FanfictionStephanie,mahal kita. - Japs Mahal kita Steph. - RJ (Kilalanin ang isang babaeng nabitter dahil sa unang beses palang nitong umibig ay nabigo na ito at nasaktan. Magbabago pa ba ang pananaw nito sa pag ibig? O habang buhay na itong makukulong sa pan...