November 2020
(Tuesday)(Steph's POV)
pagkaalis ko galing sa bahay nila kuya carl bumiyahe na ulit ako pauwi sa cavite.
7am nang makaalis ako sa kanila at mga 9:30am na ako nakarating sa cavite dahil medyo traffic dahil oras ng pasukan ngayon.
dumaan muna ako sa isang bake shop at bumili ako ng cake para kay ash.
pagkarating ko kila ash ay dumiretso ako sa kusina para ilagay ang cake sa ref nila.
wala din si tita kaya umakyat na ako sa kwarto ni ash.
palapit palang ako sa pinto nang marinig kong may kausap si ash.
e basta daddy gusto ko masaya lang palagi si steph,uwi ka po ha?dalhan mo kami ni steph ng favorite namin na wine.
oo naman syempre di ko makakalimutan yung favorite nyo ni stephanie basta ba pag dating ko mag iinom tayong tatlo ha?sama nyo nadin yung mga boyfriend nyo gusto kong kilatisin yan.
hahahaha dad naman umiral nanaman ang pagiging strikto.
hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga narinig ko.
ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sakin ni ash.
kahit sa mga gusto nyang gawin bago mawala ay kasama padin ako.
naiisip ko palang na mawawala siya ay nasasaktan na ako ng sobra.
ayokong magtanong at ayokong manisi dahil alam ko na may dahilan ang lahat.
agad kong pinunasan ang mga luha ko bago ako pumasok sa kwarto ni ash.
tumingin muna ako sa phone ko at tsaka pinilit na ngumiti para pag nakita ako ni ash ay di halatang galing ako sa iyak.
kumatok na muna ako dahil kausap nya si tito.
bes?
tawag ko habang tuloy padin sa pagkatok.
naririnig ko na ang mga yabag ni ash palapit sa akin kaya pinilit ko ng ngumiti.
pagkabukas ng pinto ni ash ay humalik na ito agad sakin.
dala dala nya ang laptop nya.
hi tito.
bati ko dito nang iharap sakin ni ash ang cam.
stephanie next week uuwi na ako mag iinom tayo ha?sama nyo yung mga boyfriend nyo.
nagkunwari nalang ako na wala pa akong alam tungkol dito.
hahahaha naku tito wala po akong boyfriend,ayan pong anak nyo ang tanungin nyo.
pinandilatan naman ako ni ash pagkasabi ko nito.
sa birthday nalang ni steph tayo mag inom dad,diba bes?
ngumiti lang ako kay ash.
nagpaalam nadin agad si tito saming dalawa ni ash.
agad ko namang niyaya si ash sa baba para kainin ang dala kong cake.
wow choco mango cake,favorite din to ng the juans diba?
ngumiti lang ako kay ash at tsaka binigay na sakanya ang hiniwa kong cake.
hahawakan nya palang ang tinidor ay bumagsak na ito sa sahig.
sorry bes pasmado lang.
agad naman akong kumuha ng panibagong tinidor at iniabot ito sakanya.
BINABASA MO ANG
Sino?
FanfictionStephanie,mahal kita. - Japs Mahal kita Steph. - RJ (Kilalanin ang isang babaeng nabitter dahil sa unang beses palang nitong umibig ay nabigo na ito at nasaktan. Magbabago pa ba ang pananaw nito sa pag ibig? O habang buhay na itong makukulong sa pan...