FIFTY ONE

77 6 3
                                    

(Steph's POV)

Sobrang natutuwa ako ng muli kong nakita si angel pagkatapos ng limang buwan.

niyakap ko siya ng mahigpit kahit nahalata kong nagulat siya dahil sa pagbabalik ko.

kelan ka pa nakabalik galing sa japan neng?

sabi niya sakin kaya binitawan ko na siya sa pagkakayakap.

kanina lang neng,dumiretso talaga kami dito kasi miss na miss na miss na kita.

sabi ko sakanya habang nakangiti lang ng malaki.

kami?sinong kasama mo?

napatingin siya sa likuran ng marinig niya ang boses nito.

steph,okay na ba to?grabe maliligaw ako dito,kasi naman e,akala ko japanese padin yung kausap ko.

natatawa naman ako dahil sa sinabi ni nate.

ah,nate si angel,angel si nate.

ngumiti naman si angel dito kahit na mukhang naguguluhan dahil dito.

hi?

ngumiti lang si nate kay angel at tsaka iniabot ang kamay para makapag shake hands.

sinama namin ni nate si angel sa condo ko.

pagbukas ko ng pinto ng condo ko ay parang nagbalik sakin ang lahat ng alaala ko dito.

nagpaalam na si nate na magpapahinga na siya dahil sa pagod.

nandito na kami ngayon ni angel sa kwarto ko.

siya ay mahimbing nang natutulog pero ako ay mulat na mulat padin ang mata.

hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng antok kahit na ramdam ko namang pagod na pagod na ako.







FLASHBACK

5 MONTHS AGO

Agad kong tinext si angel dahil gusto kong magpaalam na muna ako sakanya.

pakiramdam ko kasi ay yung dapat ay isang buwan na pag alis ay gusto kong tagalan.

at isa pa kailangan na kailangan ko ngayon ng yakap ng isang totoong kaibigan.

nandito ako ngayon sa lifetime land habang dala dala ko ang mga gamit ko.

napatayo ako ng bigla kong narinig ang boses ni angel.

neng?

tawag niya sakin at tsaka agad akong niyakap ng mahigpit.

saan ka ba galing?kahapon ka pa namin hinahanap.

sabi niya sakin na halata kong nag aalala dahil sa tono ng boses niya.

aalis na muna ako neng,doon na muna ako sa japan pansamantala.

ano?sinong kasama mo dun?tsaka anong gagawin mo dun?

pinilit kong alisin ang mga luha ko kahit na naririnig ko nadin ang mahinang paghikbi niya.

doon na muna ako tutuloy sa tita ko.

tumango nalang ito sakin at halata kong naluluha na.

yumakap akong muli sakanya at tinugon naman niya ito ng mahigpit na yakap.

babalik ako neng,pangako.

hindi na siya nakapagsalita dahil naririnig ko ang pag iyak niya.

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon