TWENTY

74 12 0
                                    

(RJ's POV)

inagahan ko ang pasok ko para mauna ako sa pagdating ni steph.

pero nang dumating ako kila kuya carl ay nandun na si steph.

nilapitan ko agad siya.

hi steph ang aga mo ata?

hindi ako nito pinansin at nakatitig lang sa phone nya.

hinawakan ko siya sa likod tsaka nya lang napansin na nasa tabi nya na pala ako.

rj kasi si ash e akala ko nandito na siya dinaanan ko siya kanina sa kanila tapos sabi ni manang nakaalis na daw.

halata kong nag aalala siya kaya pinilit ko ipakita na wala lang sakin.

baka naman na traffic siya?
mas mahirap kasi kapag nagcocommute diba?

panay padin ang pindot nito sa phone nya at tsaka itatapat sa tenga nya.

patay kasi yung phone nya e si ash never siyang nagpatay ng phone kahit matutulog pa siya.

niyakap ko si steph dahil umiiyak na ito.

hinagod ko ang likod at ulo nya habang nakayakap din siya sakin.

rj nag aalala ako kay ash e.
rj nasaan na ba kasi siya?

shhhh steph wag ka ng umiyak.

umiiyak padin ito ng sobra kaya nag aalala nadin ako sakanya.

i'm sure okay lang si ash ngayon.
mamaya tatawagan ko din siya promise.

hindi ako makapag focus sa pagrerehearse dahil nakikita ko si steph na panay padin ang pag aalala.

natapos na namin ang pagrerehearse ay hindi padin dumating si ash kaya lahat kami ay nag alala na pero nanatili kaming kalmado dahil ayaw naming makidagdag pa sa nararamdaman ni steph.

kuya carl paki try nga na tawagan si ash.

japs paki text nalang din siya.

sayo ba chael wala siyang paramdam?

wala e kanina ko pa nga siya tinetext at tinatawagan e.

lumapit ako kay steph.

steph gusto mo puntahan natin siya sa kanila?ako na magdadrive.

parang nabuhayan si steph ng sabihin ko ito sakanya at bigla tayo naman nya.

ako na ang nagdala ng gamit nya dahil mukhang nanghihina nadin siya.

kuya carl pupuntahan na namin ni steph si ash sa kanila.

tumayo naman sina kuya carl at hinatid kami pababa.

balitaan nyo kami rj ha?

tumango nalang ako kay chael at tsaka nagdrive na gamit ang kotse ni steph.

tahimik lang buong biyahe si steph.

hindi ko nadin siya pinilit na kausapin dahil alam kong kinakabahan ito.

sa tagal naming magkakilala ni steph ay ngayon ko lang siya nakitang ganito.

talagang mahal na mahal nya ang kaibigan nyang si ash.

9pm na nang makarating kami sa bahay nila ash inalalayan ko si steph dahil parang nanghihina na ito sa kakaiyak.

simula umaga kasi ay walang tigil ito dahil sa pag aalala.


Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon