FORTY FOUR

71 9 1
                                    

JANUARY 2021
(Friday)

(Ash POV)

japs,japs 8am na!

agad namang tumayo si japs mula sa pagkakatulog.

umuwi ka na muna kasi baka makahalata yun si steph,ako ng bahalang maglinis dito.

parang wala pang wisyo si japs kaya pinainom ko na muna ito ng tubig.

papapuntahin ko dito mamaya sila rj,chael at angel para ikaw naman ang magpahinga,sila ng bahala dito.

tumango naman ako kay japs na mukhang nahimasmasan na.

wag kana munang pumunta dito mamaya,siguraduhin mo nalang na hindi makakauwi si steph,samahan mo nalang siya hanggang bukas.

ngumiti naman si japs sakin.

ingat japs,ikaw na bahala kay steph.

pumasok na ulit ako sa loob.

ang sakit sa mata ng nakikita ko ngayon dahil puro kalat dito ngayon sa condo ni steph.

madami kaming choices pero naisip ni japs na dito nalang sa condo para mas safe nadin dahil pinagbabawal padin ang mga gatherings.

















FLASHBACK
(YESTERDAY)

nagpaplano kami ngayon para sa birthday ni steph sa sabado.

pagkatapos ng ilang taong pagluluksa ni steph tuwing birthday nya ay gusto kong maranasan nya ngayon ang totoong nararamdaman kapag birthday.

alam ko din na ito na ang huling birthday ni steph na kasama nya ako kaya gusto kong sulitin ito para mabaon nya ang magandang memories hindi na ang pagiging malungkot.

5pm na ngayon at busy kami sa pag vvc.

kasama namin sa pagpaplano sina ate dea at frances.

naisip namin na si frances na ang bahala kay steph kaya lang ay pang night shift siya ngayon sa online class nila pero gagawan nalang ng paraan.

sa huli ay napagdesisyunan na sa condo nalang ni steph namin icecelebrate ang birthday nya.

mauuna na muna kaming dalawa ni japs na mag ayos ngayong gabi at palitan nalang para sa iba.

bago mag 6pm ay bumiyahe si japs papunta dito sa bahay.

nagbihis nadin ako agad para kapag dumating si japs ay diretso na kami sa condo.

habang nag aayos pa ako ay biglang nag ring ang phone ko.

nanlaki ang mata ko nang makita kong si steph ito.

bakit naman kaya siya tumatawag sakin?

maya maya lang ay biglang may bumusina sa baba kaya agad ko itong sinilip sa bintana ko.

omg!steph bakit ka nandito?

nataranta ako at paikot ikot sa kwarto ko.

pero sa huli ay nagtalukbong nalang ako sa loob ng kumot dahil magtataka yun kapag nakita nya akong nakaayos at nakapang lakad na suot.

habang nakatalukbong ako ay naririnig ko na ang yabag nya na papalapit kaya kinakabahan na ako.

bes,samahan mo ako kila frances,nagyayaya yung bata e.


nananatili akong nakatalukbong at kahit na isang parte ng katawan ko ay hindi ko nilalabas dahil alam kong kukulitin nya ako.

masama pakiramdam ko bes,ikaw nalang.


Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon