NINETEEN

78 14 1
                                    

(Steph's POV)

hindi na sumama sakin si ash sa condo.

pagkauwing pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa bathroom para maligo kahit na pagod ako dahil ang dumi dumi ko dahil sa ginawa ni tine sakin.

hanggang ngayon ay nagugulat padin ako na ganun ang ipinakitang ugali ni tine sakin.

paano siya naging model kung ganun kasama ang ugali nya?

pinilit kong alisin sa isip ko si tine dahil baka magkasala lang din ako kakaisip kung bakit ganun ang trato nya sakin.

nahiga na ako at sandaling tumitig sa kisame.

biglang pumasok sa isip ko si rj.

kinuha ko ang phone ko at muling binasa ang mga text nya sakin kagabi.

RJ (1:44 am)

hi steph siguro akong natutulog kana ngayon pero gusto padin kita itext.

RJ (2:03 am)

una gusto kong magsorry dahil sa nangyari kanina,hindi ko talaga sinasadyang masaktan at matakot ka ng ganun.

RJ (2:12 am)

steph may mahalaga akong dapat sabihin sayo siguro kapag rest day nalang natin para hindi naman makaapekto sa trabaho.

RJ (2:15 am)

o siya matutulog na ako see you tomorrow.

RJ (2:16 am)

goodnight/goodmorning steph.

grabe naman gising pa siya ng ganung oras kahapon?

hay nako stephanie bakit ba kasi hindi mo ito binasa kahapon edi sana naiopen mo tong topic na'to kanina sakanya.

kaya naman pala kanina parang naghihintay siya ng sasabihin ko.

ano naman kayang mahalagang bagay na iyon?

nang tingnan ko ang oras ay 12:27am na pala kaya binalak ko ng matulog.

maya maya biglang may narinig akong sumisigaw at parang umiiyak sa labas.

malamang ay si grace ito.

lumabas ako para silipin ito.

wala namang tao sa living room at sa kusina.

sa kwarto ata ni grace nanggagaling kaya lumapit ako dito.

kakatok na sana ako pero naisip ko na baka magalit siya lalo sakin kaya dinikit ko ang tenga ko sa pinto.

hindi ako papayag girl.

nooo waaayyyy!!
akin lang siya!!

boses lang ni grace ang naririnig ko.

hinihintay kong may sumagot sakanya pero wala naman akong naririnig.

malamang ay nasa phone lang ang kausap nya.

aalis na dapat ako pero nagsalita siya ulit.

okay goodnight na love you girl.
nagtext si mommy tatawag daw siya.

nakatayo padin ako sa labas ng pintuan nya at hinihintay kong mag usap sila.

hello mom.
i miss you so much.

talaga 2 weeks nalang uuwi na kayo ni daddy?

yey so magkakasama na tayo ulit tatlo nila dad sa iisang bahay?

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon