(Steph's POV)
palabas na kami ng bahay nila kuya carl para umuwi na.
9pm na ngayon at malamang ay 11pm nanaman kami makakauwi ni ash kung traffic.
kahit na ayoko na na buhatin ni japs ang bag ko ay wala akong nagawa dahil kapag gusto nya talaga ay hindi ito iimik at basta basta nalang kukunin sayo at hindi ka papakinggan sa kahit na ano pang sabihin mo.
napansin kong tahimik si rj simula pa kanina at hindi nadin ako nito pinansin o kinausap.
naguilty naman ako dahil baka dahil ito sa pagkagulat ko sakanya.
gusto ko siyang lapitan at sabihin na wala namang problema pero gaya ng dati ay natatakot padin ako na magfirst move sa lalaki,dahil iniisip ko na baka mareject or mapahiya lang ako.
paglabas namin ng gate ay nagulat kami kung sino ang nasa labas.
hi babe.
bati agad nito kay japs.
kahit si japs ay halatang nagulat din na makita ito.
yumakap ito kay japs.
nakita ko namang yumakap pabalik si japs dito.
napatingin ako sa suot ni tine.
naka skirt ito na maong at sleeve less na black,malalim ang unahang bahagi ng kanyang suot kaya nakalabas ang dibdib nito.
bigla ko namang naalala yung bag ko at dala dala padin ito ni japs.
kaya agad naman akong lumapit sakanya at hinatak ito.
napatingin si japs sakin at ngumiti nalang ako kahit ang awkward ng pakiramdam ko.
thankyou.
mahina kong sabi sakanya at para padin siyang gulat na gulat at wala manlang imik.
ow hi steph nandyan ka pala,hindi ka kasi kapansin pansin e.oops i mean, hindi kita napansin sorry.
pinilit kong ngumiti sakanya.
masyado lang siguro talaga akong nakafocus sa boyfriend ko kaya hindi ko na kayo napapansin at nakikita.
btw hi din sayo ash.tiningnan ko naman si ash at pinipigilan kong matawa dahil ngumiti ito kay tine at sa huli ay umirap.
kaya umirap din si tine habang nakangiti para hindi siguro mapansin ng iba.
nagpaalam na sila samin at sumakay nadin kami ni ash sa kotse ko.
pagkasarang pagkasara namin ng pinto ng kotse ay tumingin agad ako kay ash.
hay naku.
pasalamat lang talaga yang tine na yan at jowa siya ni japs kung hindi matagal ko ng sinuntok yan e.napapailing naman ako at natatawa dahil sa sinabi ni ash.
so nagkabalikan na pala talaga sila ulit.
nagulat ako dahil biglang nilapit ni ash ang mukha nya sakin.
patanong ba yan o palungkot?
nilayo ko naman ang mukha ko sakanya at tsaka inirapan siya.
anong palungkot?may ganun ba?
imbento ka nanaman.sus bes kung nagseselos ka aminin mo nalang baka sumabog ka dyan pag tinago mo pa.
ewan ko sayo.
maikling sagot ko sakanya dahil hahaba nanaman ito kapag nagsalita pa ako.
pagkahatid ko kay ash ay dumiretso ako sa lifetime land.
BINABASA MO ANG
Sino?
FanfictionStephanie,mahal kita. - Japs Mahal kita Steph. - RJ (Kilalanin ang isang babaeng nabitter dahil sa unang beses palang nitong umibig ay nabigo na ito at nasaktan. Magbabago pa ba ang pananaw nito sa pag ibig? O habang buhay na itong makukulong sa pan...