Chapter 24
Ian' s POV
(During Ayumi' s POV)
Malapit na ang school fest at sport fest kaya andito kami ngayon, ni Takeshi, sa basketball court para magpractice. Kasama kasi ako para sa varsity team at siTakeshi ay gusto lang sumali. Pinayagan naman siya ni coach dahil kilala naman niya ito at dahil sa takot siyang matanggal ni Ayumi. -____-. Lakas ng kapit eh.
Practice lang ito pero tinalo pa ang concert sa dami ng babae at binabae na nanonood at tilian ng tilian.
Hindi sa pagmamayabang pero sadyang sikat ang basketball team loob man o labas ng school. Laging kami ang nananalo kapag may competition.
Pinasa sa akin ni Takeshi ang bola.
5 seconds to shoot
4 tiningnan ko ang audience.
3 hindi ko siya makita.
2 inaim ko na yung bola.
1 hinagis ko na
bzzzzztttt....
"3 points for del Mundo and Team A wins!!" sigaw nung announcer.
Bigla namang naghihihiyaw yung buong court dahil nanalo ang team namin.
Pumunta ako sa locker room at binuksan ang locker ko.
Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may natext.
*Hey Ian! Pakitulungan naman si Crizelda para sa darating na school fest. Masyado kasing madaming aasikasuhin at pinapatawag ako ni Inspector dahil may case ulit. Pakisabi na rin kay Takeshi.*
May kaso na naman siyang aasikasuhin. Kaya pala wala kanina. Hay, walang kapaguran ang babaeng iyon. Basta kapag may kaso na kaya niyang isolve, pupunta at pupunta siya.
Sinara ko na ang phone ko at inilagay sa loob ng bag ko. Kumuha din ako ng damit at nagshower na sa shower room.
Masyadong nakakapagod ang practice. Biglaan din kasi yung sports fest eh.
Pagkatapos kong magshower ay nakita ko si Takeshi na nagbibihis.
"Oy, Takeshi. Tulungan daw natin si Crizelda para sa school fest. Masyado daw kasing maraming gagawin at aalis siya dahil may kaso na naman siyang isosolve" sabi ko kay Takeshi.
Tumango lang siya sa akin at nag ayos na ng gamit. Ganoon na rin yung ginawa ko at sabay na kaming pumunta sa open field.
Pagkadating namin, nakita namin si Crizelda na pinapalibutan ng mga estudyante na kasama sa student council namin. Napakaliit nga naman ng mundo at siya pala ang bagong secretary ng student council ng school at siya rin yung sinagip ko last time. Nakatingin lang ako sa kanya at kita ko na kahit hirap na siya, nakangiti pa rin siya sa mga studyante.
Napatingin siya sa gawi namin.
"Kuya Takeshi, Kuya Dale!" sigaw niya. Napatingin naman lahat sa amin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Lumapit ako kay Crizelda at binatukan siya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na huwag mo akong tatawaging Dale?!" tanong ko sa kanya.
"Mianhe oppa" sabi niya at paiyak na.
Siniko naman ako ni Takeshi. Tiningnan ko siya at ang sama niyang tumingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako tumingin kay Crizelda
"Sige na, ok lang na tawagin mo akong ganoon" sabi ko sa kanya at tinap ang ulo niya.
Para namang nagningning ang mga mata niya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Girl Detective : The Dark Light
Mystery / ThrillerStatus: Complicated Remaining life: undefined Lifestyle: Not your typical girl P.S. Be ready for badwords