CHAPTER 6: The Cards Serial Murder Case (Part two)

6.4K 208 11
                                    

AYUMI'S POV

MOMENTUM IUXTA EST

Yan ang nakasulat sa papel na nakita ko malapit sa walang buhay na katawan ni Jacq. Meron ding nakadrawing sa lower right corner nito

Isang larawan na tulad ng ipinakita sa akin ni Takagi.

"Ayumi! Anong nangyari dito?" tanong sa akin ni Inspector.

"Jacquiline Manzano. Second vitim of the serial murderer Joker. Isang tira sa ulo at patay na siya ngayon"

"JOKER?" pag- uulit ni Inspector.

Nakita kong papalapit na dito ang mga kasama ng biktima kaya nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko para sabihan si Inspector na tumahimik.

"JACQ!" sigaw ng isa niyang kaibigan.

Napaluhod na lang ang iba at umiiyak sa nakita nilang sinapit nung Jacq.

Umalis na ako sa kinaroroonan nila at nagmasid masid sa paligid kung saan nangyari ang krimen.

Natagpuan ang katawan sa mismong loob ng elevator at tanging paa niya lang ang nakalabas. Isang bala ang tumapos sa buhay nito mismo sa ulo nito. Puro vase na may halaman ang mayroon malapit dito. Mayroong dalawa sa gilid, at sa tapat mismo ng bukasan ng elevator na nakalagay sa lugar kung saan nagchecheck- in. Wala nang mga press sa labas at may makikita kang tama ng bala sa salamin ng hotel na ito sa mismong likuran. Ibig sabihin, galing sa labas ang baril na ginamit. Hindi ko alam pero feeling ko may mali.....

Merong bagay na kulang pero di ko alam kung ano.....

Iniikot kong muli ang mata ko at nahagip ang butas sa salamin. Bumaba ang tingin ko sa salamin....

I knew it! Hindi sa labas galing ang bala dahil walang basag na salamin sa ibaba nito o sa paligid man nito sa loob kung hindi sa labas lang. Isang lugar lang ang pwede paglagyan ng baril at ito ay.....

Sa vase tapat mismo ng elevator..

Agad kong pinuntahan ang vase na iyon at hinawi ang halaman.

Positive. Andito nga ang baril at sa pagkakaset- up nito, de remote ito. May mic din ito kaya alam ng killer kung kailan bumukas ang elevator.

Pero di pa rin ako makampante....

Parang may mali pa rin di ko lang malaman kung ano.....

"Sinong punyeta ang gumawa nito?!" pasigaw na tanong ni Nile.

Bigla siyang tumingin sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari, di ko alam na tinulak niya ako ng malakas.

"TANGINA MO! KUNG HINDI MO SANA SINABI ANG MGA GANOONG BAGAY AY HINDI PA SIYA MAMAMATAY NGAYON! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT!"

Hawak hawak niya ako ngayon sa kwelyo at sigaw ng sigaw sa harapan ko. Madami ng umaawat sa kanya ngunit malakas siya at hindi nila siya layang pigilan.

Hindi na ako nakapagtimpi at agad kong hinawakan ang kamay niya, hinugot ko ito ng malakas at inilagay sa likuran niya tsaka siya idinapa sa sahig na tulad ng ginagawa ng mga pulis sa mga kriminal na nahuhuli nila.

Halata ang pagkagulat sa kanila dahil kahit kailan, hindi pa ako nakakapanakit ng tao ng pisikal.

"Huwag niyo akong sisihin o paghinalaan dahil isa ako sa mga reresolba ng kasong ito. At habang nireresolba ko ito, may malalaman din ako tungkol sa bawat isa sa inyo" malamig kong salita sa kanila bago ako tuluyang umalis.

Nakita ko si Takeshi sa di kalayuan sa elvator kaya pumunta ako sa kanya.

"Anong nangyari?" tanong niya sa akin pero hindi ko ito pinansin.

"Hanapin mo ang Krypton na sinasabi nila pati na rin ang King na boyfriend ng unang biktima. Alamin mo rin ang samahan nila ng mga highschool pa sila." tumungo na lamang ito at umalis na.

Nang makaalis si Takeshi agad napukaw ng atensyon ko ang pulis na tila nagtatago sa isang sulok. Lumapit ako sa kanya ng di niya namamalayan.

"Paano namatay si Jacq kung gayong pinapabantayan ko siya sa iyo?!" sigaw ko sa pulis na iyon.

Nagulat siya at tila nabuhusan ng malamig na tubig ng makita niya akong nakatingin at nakasandal sa dingding malapit sa kanya.

"Ms. Ayumi, patawad po kung hindi ko siya nabantayang maigi. Nagsara po kasi agad ang elevator na pinasukan niya at ang ibang elevator naman po ay out of order kaya naghagdan na lang po ako. Tapos, pagkababa ko po ay nakita ko na lang ang paa ni Ms. Jacq sa elevator kya sinilip ko siya doon ngunit nakita ko na lang na patay na siya kaya nagmadali akong umalis doon." sagot niya sa akin.

"Out of order? Imposible iyon dahil kanina lamang ay nagelevator ako at walang nakalagay na out of order ang mga elevator."

"Sigurado po ako Ms. Ayumi. Maniwala po kayo sa akin."

"Sige. Puntahan mo na muna si Inspector at huwag ka nang magmukmok diyan. Naturingan kang pulis ganyan ka umasta."

Nagbow na lang siya sakin at dali daling umalis sa harapan ko.

Pumunta ulit ako sa katawan ng biktima at ineksamin siyang muli. Wala pa kasi ang mga forensic na pintawag. Natrafic daw.

Isang bala sa ulo at patay ang biktima. Paa lang ang nakalabas sa elevator at ang itaas na katawan ay nasa loob. Nakita ko ang origami na kakaiba na may nakasulat malapit sa katawan niya.

Kakaiba ang pwesto ng biktima. Kung nabaril ka at may dingding sa likuran mo, dapat nakaupo ang pwesto mo at hindi nakahiga.

Hinawakan ko ang likuran niya at tama nga amg hinala ko.

BABY OIL

Meron din akong nakita sa may dingding ng elevator at pati na rin sa sahig. Tiningnan ko ang halaman na nasa tapat lang ng elevator.

"Ayumi!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Takeshi na maraming dalang folder. Lumapit ako sa kanya at halatang hingal na hingal siya.

"May nakuha ka ba?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin at ibinigay ang mga folder na hawak hawak niya.

"Mabigat" sabi ko sa kanya kaya kinuha niya ulit yung mga folder at ako na ang kumuha nung isa.

Habang binabasa ko ito.....

"AAAHHHHH!!!!!"

Nagulat ako at kaagad na tumingin sa paligid. Nakita ko ang speaker at alam kong galing doon ang sigaw

"Anong floor ang control room?" tanong ko kay Takeshi.

"10th floor"

Inilagay namin ang folder malapit sa halaman kug saan ko nakita ang baril at agad na sumakay sa elevator papuntang 10th floor.

Pagkatigil ay lumabas na kami at dali daling pumunta sa control room

Malakas ang pakiramdam ko na may biktima na naman.

At tulad nga ng inaasahan ko, andito si Nile habang nakaupo sa sahig at hindi mapakali at nakatingin sa katawan ni Ronald na nakalambitin at may nakadikit na card ng Joker sa noo niya.

Ronal Tennison, Joker's third victim

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon