AYUMI'S POV
"Chichay..... Chichay, bakit mo ako iniwan?" ngalngal ng lalaki na kadarating lang kanina.
Tiningnan ko ang relos ko para makita kung anong oras na.
10:30 pm. Isang oras na pala akong nandito. Iniwan ko ng yung lalaki kay Inspector at pinuntahana ng forensic na inutusan ni Takagi para suriin ang bangkay
"Sir nasuri niyo na po ba yung bangkay?" tanong ko sa head ng forensic team
"Yes ma'am. Nasuri na po namin at base sa ma test ay namatay ang biktima dahil na rin sa pakasakal. Base na rin po sa labi niya na nagkulay purple. Pero, may kakaiba nga lang"
"Ano yung kakaiba na sinasabi mo?" tanong ko. Baka makatulong din ito sa kaso.
"Yung talampakan niya ay may freeze burn. Para bang may natapakan siyang yelo o kung ano man sa matagal na oras" paliwanag nung forensic sa akin.
"Freeze burn?" tanong ko.
"Opo, yun po ang lumabas base sa mga test"
Freeze burn. Yelo? Ice? Ice.. Ice..
ICE!!
"Isa pa pala, may na- amoy din kaming chloroform sa bandang kwelyo ng biktima" sabi ulit ng forensic.
Tumango na lang at umalis na doon. Bumalik ako sa pwesto kung nasaan yung Joaquin para tanungin ang isang bagay.
"Mr. Manansala meron ka bang nakitang kakaiba nung nakita mo ang bangkay na nakasabit?" tanong ko kay Joaquin.
"To think of it, there is somethiing odd when I saw the body. There is some smoke sa paanan niya at pawala na rin yun pero di ko alam kung ano" sabi sa akin ni Joaquin.
Tsk, tama nga ang hinala ko. Ginamit nga iyon para mapatay ang taong iyon.
"Ano ang ginawa mo kahapon ng 9 gabi Mr. Manansala?" tanong ko sa kanya.
"Teka Ayumi, bakit mo naman natanong iyan?" tanong sa akin ni Inspector.
"Sa akin na muna iyon Inspector. Ngayon Mr. Manansala, pakisagot naman ang tanong ko"
"Nagpaplano ako noon ng isang project para sa company namin. Kailangan ko na kasi itong tapusin. Gising ako hanggang 11 ng gabi. Kasama ko ang mga kateam ko sa opisina namin" sagot sa akin ni Mr. Manansala.
"Takagi, pakicheck naman kung totoo ba ang sinasabi niya" sabi ko kay Takagi na kakarating lang sa tabi ko.
"Sige Ayumi pero may sasabihin muna ako sa iyo" sabi sa akin ni Takagi.
Umalis muna kami sa pwesto namin kanina at pumunta sa part kung saan di kami makikita. Tiningnan ko muna ang paligid kung may nakikinig sa amin. Nang masiguro ko na walang nakikinig ay hinarap ko na si Takagi.
"Ano ang sasabihin mo sa akin?" tanong ko kay Takagi.
"Tungkol ito doon sa pinacheck mong karayom, confirmed nga na may dugo dito pero sa pinakatulis lang ito ng karayom." sabi sa akin ni Takagi.
"Sa pinakatulis lang meron? Hindi sa buong karayom?" pagsisiguro ko.
"Oo, pero, may isa pa kaming nadiskubre. Meron ding anaesthetic sa bandang taas kun saan namin nakita ang dugo"
Anaesthetic huh. Sinasabi ko na nga ba eh!.
"Yun lang ba?" Pagsisigurado ko.
"Oo, yun lang. Sige mauuna na muna ako at gagawin ko pa ang iniuutos mo" sabi naman ni Takagi.
"Huwag muna, ipagawa mo mamaya yan pag nalaman na natin ang alibi ng lalaking yun" sabi ko sabay turo sa lalaking umiiyak
"Si Mr. Tampipi? Hindi ba't nasa Barcelona siya simula kahapon pa? Bakit naman kakailangan pa natin ang alibi niya?" nagtatakang tanong sa akin ni Takagi.
BINABASA MO ANG
Girl Detective : The Dark Light
Mistero / ThrillerStatus: Complicated Remaining life: undefined Lifestyle: Not your typical girl P.S. Be ready for badwords