CHAPTER 1: The Suicide Murder Case Part 1

20.3K 502 35
                                    

 AYUMI'S POV

"Mama! Papa! Anong nangyari? Bakit may dugo? Mama! Papa! Please! Wag niyo akong iwan!" sabi ko habang inaalo si mama at papa na naliligo na sa sarili nilan dugo.

"Ikaw ba ang anak nila?!" tanong ng isan boses na hindi ko malaman kun saan nanggaling.

"Sino ka?! Ikaw ba ang may gawa nito?! Magpakita ka sa akin!!" galit kong sabi sa kanya habang patuloy pa rin umaagos ang luha sa ma mata ko.

"Huwag kang mag- alala, ikaw na ang susunod sa kanila. Humanda ka bata!" sabi ng tinig.

Inangat ko an ulo ko at nakita ang isang anino na nasa harap ko. Lumuhod siya sa harap ko habang nakangiti sa akin. Unti- unti niyan itinutok sa akin ang baril na hawak niya at inilaay ito sa sintido ko. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa dahil.....

BANG!!

____.........

*kring kring, kring kring*

'Napabangon ako sa kama habang hinahabol ang hininga ko.

"Bangungot na naman" sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga butil ng pawis na tumutulo sa mukha ko

*kring krin, kring kring*

Naiirita na ako sa tunog na to at alas nuwebe na ng gabi at tumatawag pa.

"hello" sagot ko

"Ayumi de Guzman" sabi ng boses sa kabilang linya.

Napangisi ako. Alam ko na kung sino ito at bakit.

"Inspector Santos" seryoso kong sabi.

"Ayumi, pumunta ka dito, itetext ko na lang sa iyo kung saan" sabi ni inspector at ibinaba na agad.

Nagbihis na ako at dali- daling nag- ayos. bumaba agad ako at sumakay sa kotse ko. natanggap ko na rin yung address at dali- dalin nagdrive. After 10 minutes, nakarating na agad ako, nakita ko si inspector na kausap si Takagi at isang police officer.  Nilagyan na rin ng police line ang lugar para walan makapasok na sibilyan sa loob. Pakapasok ko pa lamang ay nakita ko na agad ang katawan na nakasabit sa kisame gamit ang lubid at nakatali ito sa kanyang leeg. Tiningnan kong muli si inspector at nakita kong nakatingin na rin siya sa akin kaya't tinanguhan ko lang siya. Agad naman siyang pumunta sa pwesto ko upang sabihin ang mga detalye sa akin.

"Christina Tampipi, 24 years old at isa siyang sikat na painter sa buong Asya. May asawa siya na si Enrique Tampipi na kasalukuyang nasa Barcelona ngunit pauwi na sya ngayon. Base sa itsura nito, nagbigti ang biktima kaya siya namatay sabi ng mga forensics na ang time of death is between 7:30 to 8:00 ng gabi. Nadiskubre ang bangkay ni Joaquin Manansala ng 9:25 ng gabi." pagkakadetalye niya habang nagsuuot ako ng glovs dahil S.O.P na ito kapag may crime scene.

"Nasaan ang Joaquin na iyon?" tanong ko kay inspector

"Nandoon siya, tinatanong siya ng mga pulis na kasama ko"  sabi ni inspector at tinuro ang isang lalaki na kasalukuyang tinatanong ng mga pulis.

Lumapit ako doon sa lalaki at tiningnan siyang maigi. Naramdaman naman ng mga pulis na papalapit kami kaya umalis na siya at hinayaan kami.

"Bakit ka pumunta dito?" diretso kong tanong sa kanya.

"Pinapunta ako ng isang tao, hindi ko alam kung lalaki o babae dahil sa parang may device siyang ginamit para baguhin yun boses niya.  Ang sabi niya sa akin na may sasabihin daw siya na mahalaga kaya niya ako pinapunta dito. Sinabi rin niyang pa hindi ako pumunta ay sasabihin niya ang sikreto ko sa mga magulang ko kaya wala akong magawa. Natakot ako kaya pumunta ako dito tapos... tapos.. nakita ko si Chichay na nakabitin, wala ng buhay" mangiyak- ngiyak niyang paliwanag sa amin.

"Malapit ka kay Mrs. Tampipi tama ba ako?" tanong ko sa kanya

"Opo, siya ang matalik kong kaibigan simula nung highschool pa kami" sabi niya sa akin. Tumango na lang ako.

May biglang lumapit kay Inspector at sinabing tapos na kuhanan ng litrato ang bangkay. Ibinaba na nila an katawan sa lapag para masuri na namin. Lumapit naman ako para suriin ang bangkay habang si Inspector ay tinatanong pa ang lalaki tungkol sa alibi niya. Tiningnan ko ng maigi ang katawan nito.

Sinuri ko ang leeg niya, bakat pa rin ang lubid sa leeg niya at may kakaibang shape sa may bandang baba ng leeg niya pero di ko matukoy kung ano. May nakita rin ako na tusok sa right part ng leeg niya. Tinanggal ko rin ang lipstick nya at nakita ko ang pagkapurple ng labi niya. Hindi kaya...

Dali- dali kong dinapa ang katawan at  tiningnan ang damit nito.

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba eh!" sabi ko sa sarili ko. Nakita ko isang maliit na tusok sa right part ng likod niya malapit sa puso. Hinarap ko ulit ang katawan niya pero may bilang nalaglag na isang papel. Pinulot ko ito at binasa ko ang laman nito.

"Gusto ko ng mamatay, ayoko ng mabuhay kung ganto din naman ang manyayari sa akin. Ayoko na kung hindi ko rin makakapilin araw- araw ang tunay kong mahal" sabi doon sa sulat.

Itinabi ko muna ito sa isang zip- lock na bag at inilagay sa aking bulsa. Papunta na ako sa kinaroroonan ni Inspector ng may nahagip ang mga mata ko. Lumapit ako doon at nakita ko ang isang karayom. Sinadya ba talaga ng killer na iwan ito? Inilagay ko na rin muna ito sa hiwalay na zip- lock at inilagay sa isang bulsa ng coat na suot ko. Tinawag ko si Takagi at sinabing pakicheck ang karayom kung may dugo ba ito o may fingerprints na lumabas. Sinabi ko rin na ipacheck kung may heart problem ang biktima para makasiguro kung tama na ang hinala ko.

Pumunta na ako kay inspector upang sabihin ang mga hinala ko.

"Inspect------" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may isang lalaki na dumating.

"Chichay...." sabi nito at nabitawan ang hawak niyang bag at agad pumunta sa bangkay.

Just the right time *smirk*

A/N: Sana magustuhan niyo :) voment po kung pwede di po ako namimilit XD. Inspired na po pala ang story na ito sa detective conan :)  

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon