Chapter 16
Ian' s POV
Kadarating ko lang sa labas ng bahay nila Ayumi. Actually di naman siya sa tapat mismo ng gate nila. Mga isang kanto bago mag gate nila yung pinaradahan ko ng motoe ko. Kung tinatanong niyo kung bakit, di ko rin alam.
Tiningnan ko ag relos ko at nakita kong 7 na pala ng gabi. Tagal ko palang bumiyahe -___-. Umulan pa at nagsagip pa ako ng buhay.
Anyway, palakad na sana ako papunta sa bahay nila ng makita kong bumukas yung gate nila Ayumi at iniluwa siya kasama ang isang lalaki.
Di ko makita yung mukha niya pero alam kong lalaki siya base na rin sa pangangatawan niya.
Nagulat ako sa sumunod na nangyari....
Nakita ko na niyakap niya si Ayumi at niyakap niya naman ito pabalik tapos ay umalis na yung lalaki.
Kahit malayo, tanaw ko ang ngiti ni Ayumi....
Simula ng nangyari ang araw na iyon, hindi ko na siya nakitang ngumiti ng ganyan. Ngayon lang....
at dahil sa lalaking iyon...
Nadako ang mga mata ko sa isang taong medyo malapit sa kinaroroonan ni Ayumi...
si Takeshi....
katulad ko basa din siya ng ulan at alam kong nakita niya ang nangyari kanina..
Takeshi POV
Andito ako ngayon, nagtatago at nasasaktan dahil sa nakita ko kanina lang....
May naramdaman akong pamilyar na prisensya at mga matang nakatingin sa akin kaya nilingon ko ito at nakita ko ang mga malulungkot na mata ni Christian na nakatingin sa akin. Ngiitian ko siya at sinenyasan na sumunod sa akin at naglakad na ako papunta sa lugar kung saan ako tumigil kanina.
Umupo ako sa may bench at nakita ko na umupo din siya sa tabi ko.
Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin. Walang gusting magsalita. Tila hindi pa rin kami makapaniwala sa nakita namin kanina.
"Sino yun?" pambasag niya ng katahimikan.
"Charles Ortiz ang pangalan niya. Hindi ko alam kung sino siya sa buhay ni Ayumi pero base sa nakita ko, malapit sila sa isa' t isa." sabi ko sa kanya.
"Ahh. Halata nga. Ngayon ko na lang ulit nakita si Ayumi na ngumiti ng ganon." sabi niya sa akin.
Hindi na ako sumagot dahil sa sang- ayon naman ako sa sinabi niya.
Kinuha ko sa bulsa ko ang lagayan ko ng contact lense at binuksan. Tinanggal ko ang mga contact lenses ko sa mga mata ko dahil masyado nang sumasakit ang ulo ko dahil dito.
Ganoon din ang ginawa ni Christian at sa madilim na gabi....
Tanging mga mata lang namin ang makikita...
Ang mga mata naming berde...
Ayumi' s POV
Alas otso na ng gabi pero wala pa rin si Takeshi.
Masyado na atang marami ang mga trabaho sa opisina kaya wala pa siya ngayon.
Naalala ko na naman yung pagbisita ni Charles kanina kaya medyo napangiti ako. Si Charles ay isa samga taong naging malapit sa akin. Sumasama din kasi siya kay Inspector kapag nagsosolve ng case at malimit kaming magkasama doon. Pamangkin siya ni Inspector at tulas ko, tumutulong din siya sa pagresolba ng mga kasong di pangkaraniwan.
Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kina Takeshi at Ian.
Tumayo na ako sa sofa at pumuntang kusina para magluto dahil nagugutom na ako.
Kinuha ko yung kaldero at ng iniangat ko ito ay nakita ko ang susi ni Takesh. Hay nako po. Napaka talaga.
Matalino nga makakalimutin naman. Hindi na nagbago dati pa siyang ganyan.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinext siya na nasa ilalim ng doormat yung susi niya.
Pinagpatuloy ko ang pagluluto at pagkatapos ay kumain na ako. Tiniran ko ng pagkain si Takeshi dahil alam kong kumakain siya pag kadating niya galing sa isang lugar.
Pumunta ako sa labas at inilagay ang susi niya sa ilalim ng doormat at pagkatapos ay umakyat na ako at nag ayos ng sarili para magpahinga.
Bago humiga sa kama. Tiningnan ko ang kalendaryo at nakita kong katapusan na pala ng August at malapit na ang school festival.
Lumabas ako ng kwarto at pumuntang office room ko para asikasuhin ang tungkol dito.
Dahil sa mga ginagawa ko, hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Girl Detective : The Dark Light
Mystery / ThrillerStatus: Complicated Remaining life: undefined Lifestyle: Not your typical girl P.S. Be ready for badwords