CHAPTER 7: The Cards Murder Case (Part Three)

6.4K 217 14
                                    

AYUMI' S POV

Nasa harap ko ngayon ang nakabigting katawan ni Robert, ang third victim ni Joker.

Lumapit ako sa katawan nito at kinuha ang card na nasa noo niya. Walang duda na si Joker ang gumawa nito.

Lumayo ako sa katawan at tiningnan ang buong lugar.

May upuan na nakatumba sa paanan nito. Nakapikit ang mga mata at may bakas pa ng luha sa pisngi niya. Wala ring bakas ng pwersahang pagtanggal sa tali. Wala ka ring maaamoy na chlorform sa bunganga niya o kahit saang parte ng kwelyo niya kahit sa mga kamay niya. Nakabukas ang mic kaya narinig ang pagsigw ni Nile sa mga speaker pero ang tanong, sino ang nagbukas ng mic? kung nakabukas na ito, kanina ko pa narinig ang pagbagsak ng upuan pero tanging pagsigaw lang ang narinig ko.

"Takeshi , ilabas mo muna si Nile dito at siguraduhin mong hindi siya mapapahamak. Tawagan mo rin si Inspector at sabihing pumunta siya dito. Pagsamasamahin mo rin lahat ng mga kaibigan ni Nile at bantayng maigi. Huwag mong hahayaang magkahiwa- hiwalay sila." utos ko kay Takeshi  ng hindi man lamang siya nililingon.

Narinig ko na lang ang yabag niya na pahina ng pahina kaya alam kong nakalabas na siya.

Nang masigurado kong wala na siya, agad kong nilapitang muli ang katawan ng biktima at kinapa ang bulsa niya. Meron akong nakapang nakalukot na papel kaya binuklat ko ito at tiningnan ang laman

"REMEMBER THE SIN YOU MADE 5 YEARS AGO?!"

Yan ang nakasulat sa papel at may drawing pa na Joker sa ilalim ng sulat. Nakaprint ang sulat kaya hindi mo malalaman kung kaninong handwriting ito pero isa lang ang nasisiguro ko.

Isa kanila ang pumapatay at may kinalaman ang nangyari 5 years ago sa mga nangyayari ngayon

"Ayumi, anong nangyari dito?"

Napalingon ako at nakita si Inspector kasama ang ibang pulis.

"Ronald Tennison, suicide vitim pero may kinalaman si Joker. Siya ang nanghikayat kaya considered as 3rd victim" sabi ko at lumabas na.

Sila na ang bahala doon at wala na akong dapat na imbestigahan dahil suicide nga ang nangyari pero may kinalaman pa rin si Joker dito.

Bumalik ulit ako doon sa lugar kung saan nakalagay ang mga folder na iniwan namin kanina. (A/N: Reception area pala tawag doon XD). Wala na ang katawan ni Jacq at naka out of service na ang elevator na iyon.

Inayos ko ang mga folder ng mahagip ng mata ko ang isang folder.

"Krypton delos Santos"

Binuksan ko kaagad ito at binasa.

Krypton delos Santos
Tinaguriang joker ng Card' s name Club
Naging sila ni Queenie for 4 months.
Bigla siyang nawala ng 4th year highschool siya at natagpuang palutang- lutang sa ilog 3 weeks after.

At marami pang nakasulat. Nilagay ko ang ibang folder sa reception area at dinala ang folder ni Krypton at isang folder papuntang elevator. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Takeshi pagkatapos ng ilang ring ay sinagot niya ito

"Katabi ng kwarto ni Queenie"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya agad ang telepono at pinindot ko na ang floor sa elevator button at hinintay ang pagbukas nito.

Nang bumukas na ito ay agad akong pumunta sa room na tinutukoy ni Takeshi  at nabutan ko silang makaupo sa couch

"Good evening Card' s Name Club"

Bigla silang lumingon kung nasaan ako kaya napasmirk na lang ako.

"Paano mo nalaman?" tanong sa akin ni Seven.

Imbes na sagutin siya, pinakita ko sa kanila ang folder na may nakalagay na Card' s Name Club. Ang nasa loob nito ay tungkol aa sikretong club nila na may 14 members at ang mga pangalan ay may kinalaman sa cards o kahit na ang katayuan nila sa buhay.

"King Evangelista, Queenie Dizon, Jacquiline Manzano, Ronald Tennison, Nile Kang, Jonathan Hachi Mendoza, Seven Agustin, Louisa Kang, Emerald Falcon, April Bueneventura, Masinito Tresorero, Tippy Dos Santos, Ace Flores at Krypton delo Santos. Sila ang mga members ng club na ito pero nabuwag dahil na rin sa nangyari 5 years ago."

Bigla silang kinabahan base sa mga mukha nila.

"Hindi ko tatanungin kung anong nangyari 5 years ago pero tatanungin ko kung ano ang mga alibi niyo simula ng dumating kayo dito."

"Nabigay na namin ang mga alibi nin sa lalaking iyon simula nung dumating kami hanggang ngayon" sabi ni Ace at tinuro si Rhals.

Inangat naman ni Takeshi  ang isang folder na may kasamang smirk sa labi niya.

Naisahan niya ako ah.

Inilahad ko ang kamay ko kaya ibinigay niya sa akin ang folder na iyon.

Binasa ko ito at....

"Nile bakit ka nga pala nasa control room kanina?" tanong ko kay Nile

Halata ko ang panginginig ng kamay niya at ang pagiging kabado niya.

"May nakuha ka bang letter at nagsasabing pumunta ka sa control room?"

Tumango na lamang si Nile at dahan dahan niyang nilalagay ang nanginginig niyang kamay sa kanyang bulsa at may kinuha doon.

Inilabas niya ang kamay niya at iniabot sa akin ang papel na nakatupi kaya kinuha ko kaagad ito.

Tiningnan ko si Takeshi  at alam na niya ang tingin na iyon kaya umalis na ako doon dala ang papel na ibinigay sa akin ni Nile.

Pumunta ako sa isang kwarto at pumasok sa loob.

Tiningnan ko ang papel at bunuklat ito upang basahin.

"Remember the sin you made 5 years ago? If you want to be forgiven, go to the control room. I' ll meet you there."

Yan ang nakalagay sa sulat at tulad nga ng nasa sulat ni Ronald, may nakadrawing na Joker sa ilalim kaya pakana na naman niya.

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at agad kong hinanap ang ebidensya na kinakailangan ko.

At ilang saglit pa ay nakita ko na.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Inspector

"Inspector pumunta kayo sa room 247 at magsama kayo ng forensic" sabi ko kay Inspector.

Nilibot kong muli ang paningin ko at nakita ang isang bagay.

"Magdala na rin po kyo ng pollen tester dito" sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Binasa ko ulit ang folder habang hinihintay si Inspector.

Joker, ang galing mong gumawa ng krimen pero dahil sa pagiging careless at pagiging confident mo, nalimutan mo ang ang isang bagay na tinago mo dapat.

Dumating na sina Inspector at ibinigay ang mga ebidensya at tinuro kung saan dapat gamitin ag pollen tester.

A/N: ALAM KO PONG BITIN PERO NAKIKIGAMIT LANG PO AKO NG WIFI XD

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon