Chapter 25
Takeshi POV
Andito na ako ngayon sa bahay namin ni Ayumi. Alas dose na at wala pa rin siya -__-. Saan na naman ba nagpupupunta ang babaeng iyon!.
Pumunta akong kwarto niya at ang nadatnan ko ay isang napakagulong kwarto na dinaanan ng isang libong bagyo na tumama ang mata dito mismo at pati na rin buhawi nakisama sa gulo. Tao pa ba ang natutulog dito?!
"Humanda ka sa akin mamaya Ayumi!!" nasabi ko na lang sa sarili ko at nagsimula ng linisin ang kwarto niya. Pati maruruming damit nakahalo sa malilinis. Hay nako po! Parang hindi babae.
Ligpit dito, ligpit doon, tupi dito, tupi doon, pulot dito, pulot doon, walis dito, walis doon, at ayos dito ayos doon. Matapos ang dalawang oras, tapos na din ako.
Tiningnan ko ang buong kwarto niya. Puro libro lang naman na Sherlock Holmes, mga libro nila James Patterson, Conan Doyle, Deen Koontz, at ibang history books pa. Di naman halata na masyado siyang geek. Kinuha ko ang isang libro na Sherlock Holmes. Nag scan lang ako at napahinto ako sa isang pahina.
May nakaipit na pulang papel sa pahinang ito. Kinuha ko ang papel at binuksan ito.
"It' s been a long time Ayumi- chan. Many things happened and you gained your popularity as the famous Detictive in town! But, just like the game in basketball, some will shoot, some will not, While everyone is enjoying, one will be dead and one is the suspect. One will lead to me, and also to your death. Be fast Tantei-san, the clock is ticking, as well as your remaining time living.
BCO
BENJAMIN FRANKLIN"Matapos kong basahin, pinicturan ko ito at lumabas na ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kwarto ko at tiningnang muli ang letter. Sinabi niyang may mamamatay pero hindi niya sinabi kung kailan at saan. Paano ko malalaman ito?!. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3 na ng madaling araw. Narinig ko na rin ang motor ni Ayumi kaya tinago ko na ang cellphone ko at sinalubong siya sa pintuan. Pagkakita ko sa kanya ay may sugat siya sa pisngi at may pasa sa kanang balikat niya.
"Ano-"
"Pumasok ka na. Wala ito" sabi niya at tuluy tuloy ang pagpasok sa loob.
Ang boses niya, hindi na ito tulad ng dati na seryoso. Sa bawat salita niya, para kang binabalot ng yelo sa lamig.
Narinig ko na ang boses niyang iyan dati.....
Ayumi.......
Anong nangyari??!!
A/N: Lame??? I know -3-
BINABASA MO ANG
Girl Detective : The Dark Light
Mystery / ThrillerStatus: Complicated Remaining life: undefined Lifestyle: Not your typical girl P.S. Be ready for badwords