Chapter 23: The Unexpected Serial Murder Case Last Part

3K 88 8
                                    

Chapter 23

Ayumi' s POV

Sinabi sa akin ni Takagi na wala ang electric taser sa bahay ni Raven.

Papunta na sana ako sa lugar kung nasaan si Raven ng bigla akong harangin ni Inspector.

"Bakit Inspector?" tanong ko sa kanya.

"May bago akong nalaman. Papatay patay ang daloy ng kuryente dito sa bar. Ayon na rin sa reader ng kuryente ng lugar na ito" sabi sa akin ni Inspector.

"Kapag nakapatay ang ilaw, ibig sabihin" sabi ko.

"Ibig sabihin ay ano Ayumi?" tanong sa akin ni Inspector.

"Wala Inspector. Palapitin niyo si Takagi at si Mr. Atkins, may pupuntahan tayo" sabi ko sa kanya.

Kahit nagtataka ay piuntahan na ni Inspector si Takagi at si Mr. Atkins. Nang makarating sila ay umalis kami at pumunta sa opisina ni Gino.

Nakita ko ang power switch kaya pinatay ko ito. Nabalot naman ng kadiliman ang buong lugar. Kinuha ko ang flashlight sa bulsa ko at binuksan iyon. Binuksan ko rin ang sikretong bintana at sinenyasan sila na tingnan ang gagawin ko.

Itinutok ko ang ilaw ng flashlight sa bintanang iyon. Nakita namin si Raven na normal na nakakapaglakad. Paikot ikot siya. Ilang sandali ay umupo siya at itinapat ko naman ang ilaw sa mga mata niya. Nagulat sila ng biglang tumingin sa direksyon namin si Raven.

Pinatay ko ang flashlight at sinaran ko na rin ang bintana. Binuksan ko na ang power switch at nakita ko naman sa mga mukh nila ang pagtatka at pagkagulat.

"Paano nangyari iyon?" tanong sa akin ni Mr. Atkins.

Sinenyasan ko silang sumunod at sumunod naman sila. Pumunta ako sa isang lamesa at umupo, ganoon di. amg ginawa nila.

Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakapagdesisyon na magsalita.

"Sa bar na ito, dito nagtatrabaho ang mga namatay at ang killer" sabi ko.

"At si Ms. Raven Roxas ang killer tama ba?" tanong ni Inspector.

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Nakilala niya si Derick at nainlove siya dito. Binigyan niya ng pabango si Derick. Lingid sa kaalaman ni Raven, sinisilipan na siya ng buong staff ng bar na ito. Maliban kay Derick. Nag umpisa ang pagsilip sa kanya simula ng pumasok siya dito" pagdurugtong ko.

Ipinakita ko sa kanila ang pabangong sinasabi ko.

"Nakita ko iyan sa ibat ibang lugar. Inamoy ko ang bawat katawan ng biktima at pare parehas sila ng pabango. Kaamoy din nila si Gustav, ang staff na hindi pumasok ngayon" sabi kong muli.

"Nalaman ng ibang staff ang tungkol sa pabango kaya bumili din sila nito para makalapit sila kay Raven. Para mahawakan mapagsamantalahan nila si Raven." sabi ni Mr. Atkins.

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Nalaman ni Derick ang tungkol dito. Nagalit siya sa buong staff. Nangyari ito two weeks ago. Sigurado akong narinig ito ni Raven kaya pinlano niya ang pagpatay sa lahat ng namantala sa kanya. Pero ang nakakapagtaka ay ang pagpatay niya kay Derick" lathala ni Takagi.

Doon din ako nagtataka. Mahal niya si Derick at alam kong hindi niya ito kayang saktan.

"Dahil ang akala niya ay hindi siya papasok"

Napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Gustav. Lumapit siya sa amin at umupo.

"Kanina ka pa nakikinig?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya.

"Hindi ngayon nakaschedule si Derick para pumasok. Dahil nga sa binantayan ko ang nanay ko, pinapasok siya ni boss. Hindi nila siguro pinaalam kay Raven dahil na nga rin sa nangyari sa kanila" sabi niya ulit sa amin.

"Para sa paraan ng pagpatay, bawat lugar kung saan namatay ang bawat tao. Dahil bulag siya, mas malakas ang iba niyang senses at iyon ang naging mata niya. Pinapatay niya muna ang mga ilaw para mas makakita siya ng maayos. Pagkatapos ay lalapitan niya ito at ilalagay ang electric taser sa leeg upang mawalan ng malay at pagkatapos ay sasakalin niya ito gamit ang connector. Sapat na pressure lang ang kailangan at pagkatapos ng isa hanggang dalawang minuto ay patay na ang taong iyon" paliwanag ko.

"Ayon sa research na nabasa ko isang bes, mas nakakakita ang mga may sira sa mata sa dilim. Hindi kasi sila nasisilaw sa dilim kaysa kapag may liwanag." sabi ko sa kanila.

"Pero wala tayong ebidensya Ayumi. Mahirap magturo at ang eksplenasyon mo lang ang sasabihin natin." sabi sa akin ni Inspector.

Kinuha ko ang electric taser at ang connector.

"Pinatest ko ang electric taser na ito. Ito ay kay Raven. Walang nakitang fingerprint ng kahit na sino at ang connector naman na ito, ito ang connector ng charger ng taser na yan. Iba iba ang connector ng bawat taser sa Pilipinas upang malaman kung kanino ang connector at taser na iyon. Alam niyo na siguro ang logic sa sinabi ko" sabi ko sa kanila.

Tumango na lamang sila sa akin

"Nasaan si Derick?"

Napalingon kami at nakita namin si Raven na may hawak na baso.

Tumayo si Gustav at kumuha ng beer at inilagay sinalinan ang baso ni Raven.

Ngumiti si Raven at nakita ko ang luha na lumabas sa kaliwa niyang mata.

"Pasensya na Derick kung kinakailangan kong iwanan ka. Mawawala ako ng ilang taon sa piling mo. Basta tatandaan mo na mahal na mahal kita" sabi ni Raven.

"Mahal rin kita Raven" salita ni Gustav at ginaya ang boses ni Derick.

Ngumiti si Raven at pinosasan na siya ni Inspector.

Hindi pinosasan si Gustav dahil hindi niya naman talaga pinafsamantalahan si Raven. Gumagamit lamang siya ng katulad na pabango para makalapit kay Raven at alagaan ito. Inamin niya ito sa akin bago ako umalis sa silid kung saan ko siya nakausap kanina.

FLASHBACK

"Hindi ko pinagsamantalahan si Raven" sabi niya sa akin.

"Pero bakit ganyan ang amoy mo?" tanong ko.

"Ginagamit ko lang ang pabangong ito para makalapit kay Raven at makausap siya. Hindi niya kasi ako kinakausap kapag nagsasalita ako sa kanya. Alam ni Derick ito kaya hindi siya nagalit sa akin" sabi niya sa akin.

Nang marinig ko ito ay lumabas na ako sa kwartong iyon sa pangalawang pagkakataon.

END OF FLASHBACK

Yung tungkol naman sa vault, mga pabango lamang pala ang nakalagay doon. Kaya pala ito naiwang nakabukas dahil siguro balak ilagay ni Gino ang mga pabango doo. pero pinatay na siy ni Raven bago niya pa mailagay iyon.

Tiningnan ko ang orasan at alas dose na pala ng gabi.

Umalis na ako doon at umuwi na sa bahay.

Masyado akong napagod ngayong araw na ito.

Teka, ano kayang nangyari sa school? 7:00 na ng gabi ng umalis ako doon eh.

Pwede naman kasing gabihin doon lalo na kung meroon kang ginagawa.

Pero uunahin ko muna ang katawan ko.

Gusto ko ng matulog.

Authors Epal Note xDDD

Uhmmm yeah dati ko pa to natype pero di ko siya mapublish dahil namental block ako after ng part na ito xDD. Nahahalo halo na lahat ng concept ko XDD.

P.S.

Sa mga nag aadd sa akin, sorry kung late ko nang naaaccept xDDD. Busy ako eh xD

PPS (XD)

Next month ulit ang UD dahil sa busy ako~~~~ Di na nga ako aatend ng JS para sa inyo!!!! XDDD. Tsaka nakakatamad xD anong gagawin mo dun di ba??? XD magsulat na lang ako ng ud para sa inyo my beloved readers!!!! XDD HAPPY 35K \^O^/ y∩__∩y (=^ω^=)

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon