Chapter 17: Secret Revealed

3.5K 99 7
                                    

Chapter 17

Takeshi POV.

Andito na ako ngayon sa bahay namin at naalala kong nasa loob nga pala yung susi ko. Na naman...

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Ayumi pero nagtext na pala siya kanina pa sa akin.

"Takeshi nasa ilalim ng doormat yung susi mo! Makakalimutin ka talaga kahit kailan! Tsk tsk tsk. Nagluto din ako kaya kapag nagutom ka kumain ka na lang. Matutulog na ako kaya di na kita hinintay" yan yung text niya.

Pati pagtetext nagbago na yung format niya. Dati isang sentence at walang ka emoemosyon yung text niya ngayon may "!" na.

Hay. Pumunta na ako kung nasaan yung susi. Pagkakuha ko ay binuksan ko na yung pintuan. Pumunta akong kusina dahil sobrang pagod talaga ako at gutom na ako. Nakita ko ang niluto ni Ayumi kaya kinain ko iyon. Pagkatapos ay umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Nasa pintuan na ako ng makita ko ang opisina ni Ayumi na katabi lang ng kwarto ko na nakabukas pa ang ilaw.

Akala ko ba matutulog na siya.

Pumasok ako at nakita ko na natutulog na siya habang hawak ang mga papeles sa kamay niya at ballpen naman sa kabila.

"Aish. Pwede naman gawin na lang bukas yan eh." sabi ko na lang sa sarili ko. Tinanggal ko na ang ball pen at papeles sa mga kamay niya at binuhat siya papunta sa kwarto niya.

Inihiga ko na siya sa kama niya at kinumutan.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at halatang pagod siya dahil sa sobrang himbing nang pagkakatulog niya.

"Hay, hanggang kailan Ayumi? Hanggang kailan?" nasambit ko na lamang.

Hinalikan ko siya sa noo niya bago ako tuluyang umalis ng kwarto niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag- ayos ng sarili para matulog. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ko na naman ang mga mata kong kulay berde.

Parehas kami ni Christian ng kulay ng mata dahil sa malayo kaming mag kamag- anak. Kung baga yung lolo ko at lola niya magpinsan kaya malayo kaming magkamag- anak.

Yung tungkol naman sa mga mata namin. Ganto talaga kami. Kung baga namamana sa amin ang gantong kulay pero dati ay ang buong pamilya niya at buong pamilya ko ang may gantong mata pero ngayon, kaming dalawa na lang ag natitira at hindi namin alam kung sino ang may gawa.

Humiga na ako sa kama ko at tiningnan ang kisame.

Madaming nangyari sa araw na ito at madami na ding sikretong nabunyag at may taong dumating.

Sana naman, maging maayos ang lahat.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong kinabahan. Paranoid lang ba ako o sadyang may mangyayaring hindi maganda?

Ang dami ng gumugulo sa isip kaya't napagpasyahan ko na lamang matulog. Sana talaga maging ayos na ang lahat.

a/n: Ayieee ginaganahan ako mag update XD pero last na to ngayon dahil baka matapos ko yung story ng wala sa oras XD

Next time na lang ulit yung update and tnx sa support niyo ^^

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon