Chapter 13: Love?

4.5K 127 3
  • Dedicated kay Mhaery Cawaling
                                    

Ayumi' s POV

Pinauwi ko na si Ian sa kanila at si Takeshi  naman ay pinapunta ko sa office para asikasuhin yung kumpanya. Nakasakay ako ngayon sa Ducati kong motor na kulay red at papunta na ako ngayon sa may Ayala triangle kung saan naganap ang pagpatay kay Seven. Alam ko na kung sino ang pumatay sa kanya at alam ko rin namang alam niyo na rin. Walang iba kundi ang Black Crow Organization....

Hinack muna nila ang system ng CCTV tapos ang mga pulis na sinasabing nakatulog ay isa sa mga kasamahan nila. Ang totoong nangyari ay mayroong sikretong pintuan sa ilalim ng kama ni Seven. Alam ko iyon dahil nakita ko ang blueprint ng ospital na iyon. Tinapon nila dito ang bangkay ni Seven and the rest is history....

Andito na ako ngayon kaya pinarada ko na ang motor ko at pinuntahan si Inspector. Tiningnan ko ang relos ko at nakita kong ala- singko na pala. Nakita ko si Inspector na may ngiti sa labi niya kaya alam kong alam na niya kung sino ang pumatay.

"Ayumi!" sigaw niya sa akin.

Tinanguan ko siya habang papunta ako sa kanya.

"Black Crow Organization" sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at pinagmasdan ang mga pulis na nag- aayos dahil alam na nila kung sino ang killer.

Napalingon ako at nakita ko ang lugar kung saan nahimatay si Ian. Naalala ko ang mukha niya kaya napatawa ako. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Inspector kaya tumingin ako sa kanya.

"Bakit? Anong meron sa mukha ko?" tanong ko sa kanya.

" Wala, ngayon lang kasi ulit nakitang tumawa ng ganyan. Simula ng araw na iyon, hindi la na tumatawa at palaging smirk ang meron diyan sa labi mo"

Napatigil ako ng saglit.

Oo nga, simula ng mawala sina Mama at Papa ay hindi na ako ngumingiti.

"Sabihin mo nga sa akin Ayumi.... May crush ka ba?" tanong sa akin ni Inspector.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Di nga?!

"ANO BA NAMAN YAN INSPECTOR! WALA KAYA! NO CRUSH SINCE BIRTH AKO!" pasigaw kong sagot sa kanya.

Naramdaman kong nakatingin sa akin yung mga pulis kaya tiningnan ko sila isa isa at inirapan. Tinuloy na lang nila yung ginagawa nila. Narinig ko naman si Inspector na tumatawa ng tumatawa. Tinaasan ko siya ng kilay kaya pinigilan niya yung tawa niya.

"Ikaw Ayumi, binibiro lang naman kita. Masyado kang defensive diyan. Sige, wala ka ngang crush pero may mahal ka na siguro no?" asar niya ulit sa akin.

"Aisshh!!! Yah!! Wanna die? Just say it to me!" sabi ko sabay irap.

Narinig kong tumatawa siya kaya umalis na lang ako. Wala na naman akong gagawin doon eh.

Pero napaisip ako sa huling sinabi ni Inspector.

Love? Wala naman sa bokabularyo ko yun.

Pero ano nga ba ang nararamdaman pag may mahal ka?

Biglang may nagflashback sa akinv memory ng isang lalaki. Isang pamilyar na lalaki..

"Charles Ortiz, tagal na rin nung huli naming pagkikita" sabi ko na lang sa sarili ko at sinuot na ang helmet ko at nagmotor pauwi.

Kailan ko kaya mararanasan ang magmahal?

A/N: Annyeong!!!!

Namiss ko mag ud at kating kati na yung mga daliri ko XD. Dapat isang bagsakan na lang hanggang ending kaso nawala yung mga chapters ko dahil nireformat ang aking laptop TT^TT

Anyway, phone lang gamit ko dito kaya sorry sa mga typos ^^

Pagtapos na tong story na to ieedit ko siya kasi nung ni reread ko siya may maling infos pala XD

Oh siya bukas ulit ud try ko XD

Happy 7k pala !!!

P.S. Kung sino gusto magpadedicate message me okay? pagtapos na tsaka ako magdededicate komawo !!!

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon