Chapter 35: BCO

2.9K 65 33
                                    

Takeshi's POV

Nilapitan ko agad sina Charles at Christian dahil sa nalaman ko.

Nakita ko sila sa section ng mga non fiction books at nagbabasa sila. Si Charles ay hawak ang isa sa mga libro patungkol kay Sherlock Holmes at si Christian naman ay hawak ang The X Files na libro.

"Charles, Christian. Alam ko na ang sagot sa riddle" pagtawag ko sa kanila ng pansin at bigla naman silang napatingin sa akin.

Biglang may naramdaman akonf prisensya sa paligid kung kayat nagmasid ako. Nakita ki din na tumingin sa paligid sina Charles at Christian tulad ko.

"Naramdaman niyo ba yun?" Tanong ko sa kanila.

Tumango sila bilang pag sang ayon at mas tinalasan namin ang pakiramdam dahil parang may pares ng mata na nakamasid sa amin.

"Sa doon tayo sa isang abandonang classroom mag usap baka may makarinig pa" suhestiyon ni Charles at nagsimula na siyang maglakad palabas ng library.

Sumunod kami ni Christian ngunit naramdaman namin na para bang may sumusunod pa din. Lumingon ako kay Charles at nakita kong binuksan niya ang libro na hawak niya kanina. Pagkakita ko ay sira pala ito sa gitna at nasa loob nito ay isang baril. Tumingin siya sa akin at sinenyasan na maghanda.

Hinawakan ko ang bandang bewang ko kung saan nakalagay ang baril na lagi kong dala dahil na din sa kasama ko si Ayumi. Nakita ko si Christian na inihahanda ang kanyang kamao sapagkat wala siyang dalang armas.

"Dito na lang tayo" sabi ni Christian noong may nakita siyang isang classroom na wala nang tao.

Agad kaming pumasok doon at agad kong inihanda ang baril ko. Ganoon din si Charles at nilagyan naman ng harang ni Christian ang pintuan.

"Simulan na natin" sabi ni Christian noong maiayos niya yung mga upuan at silya.

Nakabantay lang kami sa pintuan at pinapakiramdaman ang paligid. Narinig namin ang yabag ng mga paa kung kayat mas naging alerto kami.

"Labinlimang pares ng paa yung naririnig ko" sabi ni Charles sa amin

Bigla naming narinig ang pagsipa sa pintuan

Isa

Dalawa

Tatlo

Katahimikan.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang labinlimang tao na nakamaskara at may hawak na mga pamalo.

"Anong kailangan niyo?" Tanonf ko sa kanila

Wala ni isang sumagot at bigla na lang nila kaming sinugod.

Tatlo ang papunta sa akin kung kayat agad ko silang pinaputukan sa balikat at paa upang hindi na sila makalaban pa. May naramdaman ako sa likod ko kung kayat yumuko ako sabay patid sa paa noong nasa likod ko at paputok sa kanyang braso at paa.

Biglang may humampas sa likod ko at bigla akong tinadyakan sa likod kaya napaupo akong bigla.

Dinaganan agad ako nito at pinagsusuntok sa mukha ng ilang ulit ngunit bigla na lamang itong bumagsak at nakita kong may tama ito sa kanyang balikat. Napalingon ako sa pinanggalingan ng bala at nakita ko si Charles na nakatutok ang baril sa gawi ko. Inalis ko agad sa pagkakadagan ang katawang nasa taas ko at agad akong tumayo.

Sunod sunod na putok ng baril ang naririnig ko at nakikita ko na halos maubos na namin ang kalaban.

*boogsh*

Napalingon ako sa gawi ng salamin at nakita kong nabasag ito. Madaming pumasok na mga nakamaskara din at may dala silang mga pamalo at patalim. Ang iba sa kanila ay may hawak na mataas na kalibre ng baril ngunit bago pa man sila makapasok sa loob ng classroom ay isa isang bumulagta sa asahig ang mga katawan nila. Nilingon ko ang prang lider nila at nakita ko sa mga mata nila ang pagkabigla.

*bang*

Nakita ko na lang na may butas sa noo ang parang lider nila at bigla itong napahiga at nangisay ng konti. Tiningnan ko ang paligid at puro katawan at dugo ang aking nakikita sa sahig. Nilingon ko si Charles at Christian. May tama si Christian sa kanyang balikat at si Charles naman ay may galos ng kaunti.

May isang pares ng takong na sapatos ang papalapit kayat itinutok kong muli ang baril sa may pintuan.

Palakas to ng palakas at hindi ko maintindihan kung bakit lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko. 

Unti unting nasilayan ko ang mukha ng babaeng papalapit.

Hindi maari to...

Imposible...

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong silid ng masilayan namin ang isang babae na may hawak na isang sniper gun, nakaitim siya suot na medyo hapit sa kanyang katawan at nakapony ang kanyang buhok.

"Ayumi?" pambabasag nni Charles sa katahimikang unti unting sumasakal sa amin

Isang ngiting makahulugan ang iginawad niya sa amin saka niya iginalaw ang ulo niya ng kaliwat kanan.

"I'm not Ayumi"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon