Chapter 19: The Unexpected Serial Murder Case Part 1

3.2K 91 21
                                    

Chapter 19

Ayumi' s POV

Andito ako ngayon sa tapat ng bar kung nasaan naganap ang isang murder.

Isang lalaking nakaupo sa upuan sa loob ng kanyang opisina at patay na. Meron din sa locker room at meron din sa mismong cr ng bar na ito.

Oo, sa bar nangyari ang pagpatay sa mga lalaking ito ay ang tanging tao lamang na natirang buhay ay ang singer nila na babae na isang bulag.

"Inspector, paano natagpuan ang mga bangkay?" tanong ko kay Inspector.

"Pumasok ang isang lalaking nagngangalang Atkins Villaflor. Sinabi niyang pumasok siya sa bar at ng makita niyang walang tao at kumakanta lang ang babae ay nagtaka na daw siya. Hinanap niya ang mga tao at natagpuan niya ang mga bangkay na wala ng buhay" sabi sa akin ni Inspector.

"Bale yun ang alibi niya. Natanong niyo na ba yung babaeng yun?" tanong ko kay Inspector at tinuro ang babaeng bulag.

"Siya si Raven Roxas. Tinanong namin siya at sinabi niya na nag eenasayo lamang siya sa kanyang pagkanta at meron daw siyang narinig na mga yapak ng isang tao at hindi daw pamilyar ang tunog na iyon. Napatigil siya ng marinig niya ang pagsigaw nung Atkins" sabi ulit sa akin ni Inspector.

"Bulag ba talaga ang taong yan?" tanong kong muli.

"Base sa mga nakalap naming impormasyon, oo, bulag nga ang babaeng yan" sagot sa akin ni Inspector.

Hindi ako mapakali kaya kinuha ko ang flashlight ng isang pulis at binuksan ito. Itinapat ko ito sa mga mata niya at hindi man lamang siya pumikit o hinarangan ang kanyang mga mata. Balak ko pa sanang patagalin ngunit kinuha na ni Inspector ang flashlight sa kamay ko at ibinigay doon sa pulis.

"Sinabi ko na sa iyo Ayumi, bulag talaga siya at wala siyang nakikita" sabi sa akin ni Inspector.

Kinuha ko kay Inspector ang folder kung saan nakalagay ang mga info about sa case.

Umalis ako doon at nilapitan ang mga bangkay na tinganggal na kung saan sila nakalagay.

Nakita kong merong marka ng electric taser sa may bandang leeg nila at halatang sinakal sila gamit ang isang kable.

Tiningnan ko ang folder at nakita ko ang litrato ng bagay na ginamit na pangpatay sa mga biktima. Isa itong cellphone connector. Lahat na talaga ng bagay na makikita mo ay magagamit mo na para pumatay ng tao.

Umalis ako doon at pumunta kung saan natagpuan ang mga bangkay ng mga tao.

Una kong pinuntahan ang banyo. Natagpuan ang katawan ni James Javier sa isa sa mga cubicle ng cr.

Pangalawa ko namang pinuntahan ang locker room kung saan natagpuan ang bangkay ni Derick Vitancol. Nakaupo siya at sa tingin ko ay naka eye to eye niya pa ang ang killer. Which is odd...

Huli ko naman pinuntahan ang opisina kung saan natagpuang patay ang isa sa mga biktima. Siya ang nagpapatakbo ng bar na ito. Tiningnan ko ang vault niya at nakita kong nakabukas ito at wala na itong laman.

Posible bang dahil sa robbery ang case na ito??

Bumalik ako sa pwesto ni Inspector at may nakita akong kausap niyan pulis. Ng makita niya ako ay bigla siyang lumapit sa akin.

"Ayumi, may isa pang nadagdag sa listahan. Si Gustav Ramirez, hindi siya pumasok ngayong araw na ito"...

A/N: Gomena ngayon lang nakapag ud ^^v.

Sembreak namin ngayon pero ang di naming projects TT^TT. Sobra kasing busy eh so sorry talaga ^^v. Nagdedicate na ako doon sa iba kong followers so kung gusto niyo madedicate ang chapter na ito sa inyo, comment na lang ^^. Arigato!! I' ll be uploading pictures pero di pa ngayon ^^v. Good night!!! -_____-zzzzZZZZZ

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon