Chapter 32 Little Did I Know

1.2K 34 0
                                    

Takeshi's POV

Hindi ako pwedeng magkamali. Iba ang accent ni Ayumi kanina nung nagtagalog siya. Kaya ba puro english ang sinasabi niya para hindi mahalata ang accent niya? Pero bakit? imposibleng magiba ang accent niya pwera na lang kung hindi siya si Ayumi.


Pero imposible! Wala naman siyang kakambal or something dahil ang nasa birth certificate niya ay nag iisa lang siya. Siya ang first born. At base na din sa kwento niya ay siya na lang talaga ang natitira sa angkan nila. Ayon sa pagkakaalam niya dahil sa hindi niya alam na pinsan niya si Charles. 

Ano ba to! Mas gumulo ang mundo ko! Nakakainis naman oh! Baka naman nanood siya ng movie nung isang araw kaya ganyan ang accent niya? Posible dahil kapag may pinapanood siyang foreign movie, ginagaya niya ang accent ng mga artista doon at nagagawa niya ding baguhin ang boses niya. Siguro nga ganoon.

Pero hindi pa din ako mapakali. Para kasing may hindi tama eh. Aish! Naiinis na talaga ako!!! MAsasagot lang lahat ng katanungang ito kapag nasagot ko na yung riddle.

Naglakad na lang ako papuntang banyo sa dulo ng hallway na ito. Pagkapasok ko ay ginawa ko na ang dapat kong gawin ng may narinig akong nag uusap medyo malayo sa akin.

"Basti napanood mo ba yung kay Nicholas Cage na movie?"

"Alin? yung may treasue hunting sila tapos yung may kakaibang salamin pang dapat gamitin para malaman yung map?"

"Oo yun nga! Grabe ang galing nila no? Lalo na yung nakasalamn doon. Nalaman nila na yung code para malaman yung oras ay dahil doon sa clock na nasa 100 dollar bill na ang nakalagay na oras ay 3:00!"

"Oo nga eh! Ang akala pa nila ay 3:00 talaga yun pero 4:00 talaga iyon kasi dati ay late ng isang oras ang orasan na iyon!"

"Oo nga eh! Ang galing talaga nila"

100 Dollar bill?

Umalis na sila pagtapos habang nagkukwentuhan pa din. 

100 dollar bill..

Nag ayos na ako ng sarili ko at naghugas na din ng kamay pagtapos ay lumabas na ako ng banyo. Hindi maalis sa utak ko yung narinig ko kanina.  100 dollar bill, 3:00, 4:00, Aish ano ba yan!

Wait lang! 100 dollar bill! Oo nga yun nga yun!

Kung tama ang pagkakaalala ko....

Tangina yun nga iyon!

Bigla akong napatakbo para hanapin sina Charles at Christian dahil alam ko na kung saan at kailan gaganapin yung nakalagay sa note na iyon!

Kailangan na namin magmadali dahil sa ilang araw na lang ay magaganap na ito!


A/N: Two uds in one day? :) Any wild guess??? :) 

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon