AYUMI'S POV
Andito na kami ni Takeshi sa Manila hotel at kitang- kita mo talaga ang dami ng mga reporters sa labas.Tsk. Basta talaga gantong bagay, asahan na ang mga chismoso't chismosang mga taga- media. Yung mga dapat pagtuunann ng pansin ay yun ang binabalewala samantalang yung mga hindi naman dapat pag tuunan ay doon sila di magkandaugaga na kumuha ng scoop. Ganto na ba talaga ang mundo ngayon? Kapag wala kang kapangyarihan ay isa ka lamang hamak na langgam sa mundong puro agila ang namamayani?
"Takeshi, pumunta ka munang backdoor at tingnan mo kung walang tao doon. Tawagan mo ako kung naconfirm mo na" utos ko kay Takeshi habang hawak ang cellphone ko.
Tumungo lang siya at lumabas na nang kotse. Nakita ko pa kung paano siya dahan- dahang naglalakad para hindi siya makita ng media.
Nalimutan ko palang sabihin na sikat si Takeshi sa buong mundo dahil ang akala nila na siya ang nagmamay- ari ng company ko. Sinabi ko kasi sa kanya na siya ang ipapakilalang owner dahil na rin sa galing niyang magpatakbo kaya sa kanya ko ipinagkatiwala ang kumpanya pero ako pa rin ang nasusunod. Magulo ba? Hayaan mo na magulo din naman ang buhay ko eh.
*Pumped up kicks ringtone*
Takeshi calling......
"Anong balita?" tanong ko agad sa kanya.
"Clear dito. Walang tao sa labas at loob" sagot niya sa akin
"O sige hintayin mo ako diyan" sagot ko at ibinababa na agad ang tawag.
Lumabas na ako ng kotse at inilock ko muna ito bago pumunta sa backdoor. Pagkadating ay pumasok na kami sa backdoor at dumiretso na sa kwarto.
Nagtataka ba kayo kung paano ko nalaman ang kwarto kung hindi naman sinabi sa akin ni Inspector? Simple lang. Pinakinggan ko lang ang mga chismosong media na nagrereport at tiningnan ko ang room na sinasabi nila. Nakita kong maraming anino sa loob ng kwartong iyon kaya sigurado akong sina Inspector yun. Atsaka yun lang naman kasi yung room na maraming tao sa loob.
Pagkapasok ko pa lang, sumalubong na agad sa akin ang mga pulis at ang mukha ni Inspector na nakasambakol.
"Inspector kaya ka hindi nagkaka- asawa eh. Huwag kang masyadong seryoso sayang ang mukha niyo sige kayo" pagbibiro ko kay Inspector.
Nakuha ko ang atensyon nilang lahat at nahuli kong nagpipigil ng tawa yung iba. Si Takagi ay lumayo kay Inspector at mahinang tumawa sa isang tabi. Binigyan ako ng isang matalim na tingin ni Inspector kaya nagpeace sign na lang ako habang nakangisi sa kanya at nagpipigil ding tumawa ng malakas.
"Salamat naman at dumating ka na Ayumi!" sabi sa akin ni Inspector at halatang ako ang dahilan ng pagsabakol ng mukha niya. Tss.
Tumango na lang ako at pinuntahan agad ang bangkay.
Nasa banyo ito at may saksak sa kanyang dibdib na isang kitchen knife. Halos naligo na ito sa kanyang sariling dugo at ang mata nito ay bukas na bukas.
"Base sa kanyang mga mata, namatay siya isang araw na ang lumipas. Nanigas na rin ang kanyang katawan gawa ng rigor mortis." sabi ni Takagi
"Personal information"
"Siya si Quennie Dizon. Isa siyang chef sa Bonjour. Matagal ng wala ang mga magulang niya kaya mag- isa na lang siya ngayon. Nakatira siya sa Pasig at sigurado akong nandito siya dahil may seminar siyang dapat puntahan para sa lahat ng chef ng Bonjour."
"Sino ang mga kasama niya?"
"Sina Jacquiline Manzano, Ronald Tennison, Nile Kang, Seven Agustin, Jonathan Mendoza, and Ace Flores"
BINABASA MO ANG
Girl Detective : The Dark Light
Mystery / ThrillerStatus: Complicated Remaining life: undefined Lifestyle: Not your typical girl P.S. Be ready for badwords