Chapter 21: The Unexpected Serial Murder Case Part Three

2.8K 85 1
                                    

Chapte 21

Ayumi' s POV

Andito ako ngayon sa isang kwarto kasama si Inspector at ang sinasabi niyang isa sa mga empleyado na hindi pumasok.

Gustav Ramirez ang pangalan niya at halata sa mukha niya ang kaba.

"Bakit hindi ka pumasok kanina, Mr. Ramirez?" pambabasag ko sa katahimikan.

Umayos muna siya ng upo bago niya sagutin ang tanong ko.

"Nagkasakit ang nanay ko kaninang madaling araw. Tumawag ako sa opisina ni boss at sinabing hindi ako papasok dahil nga doon. Pumayag siya sa sinabi ko. Kung hindi kayo naniniwala, pwede niyong tanungin ang mga nasa ospital kung nandoon ba ako kanina bago at pagkatapos ng krimen" sagot niya sa akin.

Tinanguan ko si Inspector at lumabas naman siya.

Binalot kami ng katahimikan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Nilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at inamoy ito.

Nakita ko na napalunok siya sa ginawa ko. Mukhang kinakabahan ang isang to ah.

" Anong gi- ginagawa mo?!" tanong niya sa akin.

Patuloy pa rin ako sa pag- amoy sa leeg niya at ng maconfirm ko na tama ang naaamoy ko ay lumayo ako sa kanya.

Pumunta akong pintuan at nais na sanang lumabas.

Nakabukas na ang pintuan pero bago ako tuluyang lumabas, lumingon ako sa kanya.

"Hindi ba masyadong nakakapagtaka na pare parehas kayo ng amoy mga kasama mo dito?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya.

Napangiti na lang ako sa nalaman ko at tuluyan ng lumabas ng kwartong iyon.

Lumapit ako kay Takagi at may ibinulong sa kanya.

Matapos kong bumulong ay tumango siya sa akin at pumunta na kay Raven.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik si Takagi at tumango siya sa akin.

Ngayon alam ko na ang katotohanan, isang ebidensya na lamang ang kailangan.

"Ako, ako ang pumatay sa kanila"

Napalingon ako kung sino ang nagsabi noon.

Nakita ko si Raven na nakataas ang kamay.

Wala namang pumapansin sa kanyang mga tao. Naramdaman niya siguro iyon.

"ANO BA KAYO! AKO ANG PUMATAY SA KANILA! AKO!!" pasigaw niyang sambit kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"Kung ikaw nga ang pumatay, paano mo sila pinatay?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya makaaagot sa tanong ko. Marami ding mga pulis ang hindi naniniwala na siya ang pumatay sa mga biktima.

"I- ipapakita ko sa i- inyo" sabi niya sa amin at tumayo na lang bigla.

A/N: Sorry kung matagal ^^.

Tapos na ang aming speech choir at pangatlo kami ^0^. Nagkaroon pa nga ng war sa pagitan ng section namin at dalawa pang section pero di ako nakikisali XD

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon