Chapter 22: The Unexpected Serial Murder Case Part Four

2.7K 76 5
                                    

Chapter 22

Ayumi' s POV

Naglalakad ngayon si Raven at sinusundan lang namin siya.

"Ano ang una mong ginawa Ms. Roxas?" tanong ko sa kanya.

"Pumunta ako sa banyo at pinatay si Gustav, ang boss namin tapos ay naghugas ako ng kamay dahil baka may dugo sa kamay ko" sabi niya sa amin at lumakad patungo sa maling direksyon.

"Wala diyan ang opisina ni Mr. Arigo Ms. Roxas at wala ring bahid ng dugo ang pagkapatay sa kanila" sabi ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa paglalakad at bigla na lang napaupo sa sahig.

"Tama na Ayumi, alam naman naming lahat na wala siya kasalanan. Hindi niya kayang pumatay nang tao dahil sa kalaayan niya." sabi sa akon ni Inspector.

"Lahat ba ng disabled na tao ay meron electric taser?" tanong ko kay Inspector.

"Oo dahil ang presidente na mismo ang nagsabi noon para maprotektahan nila ang kanilang mga sarili. Gobyerno din ag nagprovide ng mga taser nila." sabi naman ni Inspector.

"Ms. Roxas, nasaan ang electric taser mo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa bahay ang electric taser ko" sabi niya sa amin.

Tiningnan ko si Takagi at alam na niya ang gagawin niya.

"Sige Ms. Roxas, magstay ka muna sa kwarto mo, Inspector, pakialalayan siya" sabi ko na lang.

Tumango sa Inspector at inakay na si Ms. Roxas.

Naglakad ako patungo kung saan nakalagay ang mga narecord ng CCTV.

Nakita ko sa isang sulok si Atkins na nakaupo.

Nilapitan ko siya. Naramdaman niya siguro ang paglapit ko kaya napatungin siya sa akin.

Umupo ako sa tabi niya. Isang nakkabinging katahimikan ang bumalot sa amin.

"May karelasyon ba si Ms. Roxas?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam pero merong napapabalita dito na meron siyang karelasyon." sabi naman niya sa akin.

"Sino iyon?" tanong kong muli.

"Ang sabi nila, si Derick daw." sagot niya sa akin.

"Ano ba si Derick dito?" tanong kong muli.

"Isa lang siyang part- timer dito sa bar. Isa lang siyang estudyante sa edad niya. Tumigil kasi siya noon sa pag- aaral dahil sa nagipit sila" sabi niya sa akin.

Itinapat ko ang braso ko sa ilong niya.

"Kilala mo ba ang amoy na ito?" tanong ko muli.

"Oo, yan ang amoy ng bar na ito. Pero una ko itong naamoy kay Derick" sabi niya sa akin.

Tinanggal ko na ang braso ko sa ilong niya.

"Alam mo ba ang ginagawa nila kay Ms. Roxas?" tanong ko sa kanya.

Binalot muli kami ng katahimikan.

Aalis na sana ako ng muli siyang magsalita.

"Una kong naamoy ang pabangong yan kay Derick. Marahil ay bigay ito ni Raven sa kanya. Para pag naamoy niya ang pabangong iyan, alam na niyang si Derick ito. Pero bago pa pumasok bilang part timer dito si Derick, ang buong staff--"

"Sinisilipan nila si Raven kapag magpapalit ito ng damt. Nalaman nila ag tungkol sa pabangong iyon kaya bumili rin sila ng katulad na pabango at dahil doon, nakakalapit na sila kay Raven. Namomolestiya na nila si Raven. Pag wala si Derick ay tsaka lamang nila gagamitin ang pabango at pagkatapos ay salitan sila kay Raven. Tama ba ako?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman si Atkins. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa at pagsisisi para kay Raven.

"Makalipas ang ilang buwan, at dalawang linggo na ang nakakaraan, nalaman ito ni Derick at sinugod niya ang mga staff dito. Pinagtulungan siya ng mga tao dito at binugbog. Hindi nila tinanggal si Derick dito sa bar dahil hindi na nila muling mahahawakan pa si Raven" kwento niya sa akin.

Ipinakita niya sa akin ang litrato ni Raven na masayang nakanta.

"Ito ang litrato niya simula ng dumating si Derick sa buhay niya. Puno na ng saya ang mga mata niya. Pero ilang araw ang nakaraan, muling lumungkot ang mga mata niya. Ang mga kanta niya ay biglang lumungkot. Hindi ko alam kung bakit" kwento niya sa aking muli.

"Matanong ko lang, ikaw ba ang ama ni Raven?" tanong ko sa kanya.

Nabigla naman siya sa narinig niya. Unti unti ay ngumiti siya at tumingin sa harapan.

"Matalino kang bata. Oo, ako nga ang ama niya. Wala akong magawa para maialis siya sa bar na ito dahil tinatakot ako ni Gino na papatayin niya ang buo kong pamilya kapag itinakas ko si Raven. Wala akong kwentang ama. Kaya ngayon, dapat lang sa kanilang lahat na mamatay" sabi niya sa akin.

"Sasabihin mo rin ba na ikaw ang pumatay sa kanila?" tanong ko sa kanya.

"Kung gugustuhin ko ay oo" sabi niya sa akin.

Umalis na ako sa pwestong iyon at pumunta na kung nasaan si Takagi na kakarating lamang.

A/N: Sorry guys ngayon lang ang dami kasing nangyari eh xD.

Merry Christmas po ^^

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon