Chapter 28: Related

1.8K 57 4
                                    

Charles ' POV


"I'm Charles Ortiz, a secret agent assigned to assist Detective Ayumi" sabi ko sa kanila.


I know mukha akong kontrabida dahil sa mukha akong creepy habang inaapproach si Ayumi pero parte ito ng trabaho ko, parte ito ng isinumpa kong pangako para kay Ayumi.


Flashback noong namatay yung mga parents ni Ayumi


Pauwi na ako ngayon sa amin at hanggang ngayon, parang kinakabahan ako na ewan. Parang may masamang mangyayari pero di ko mapoint out kung ano. Aish!! Ano ba kasi iyon?!


"Charles!"


Biglang may tumawag sa akin kaya napalingon ako at nakita ko si papa papunta sa akin. Bigla naman akong tumakbo papunta sa kanya.


"Pa, bakit po?"

"Ang mga magulang ni Ayumi, wala na sila. Pinatay na sila ng mga taga organisasyon"


Nagulantang ako sa sinabi ni papa. Kaya ba ako kinakabahan kanina? Shit! Ang mga taga organisasyon na naman ang may pakana nito!


"Anak alam kong mahirap dahil mas kailangan ka ni Ayumi ngayon pero, kailangan na nating umalis. Kailangan mo nang magtrain para masuportahan si Ayumi sa hinaharap. At nang mahuli na natin ang organisasyon sa lalong madaling panahon" sabi sa akin ni papa.


Naiintindihan ko naman. Dali dali akong umuwi dahil si papa ay pupunta sa bahay nila Ayumi para kumuha ng mga ebidensya. Nang nasa bahay na ako ay agad akong nag impake. Tinawagan ko na rin ang sekretarya ng papa ko at nagpabook na ako ng ticket papuntang Los Angeles para makapagtraining na ako doon. Habang nag iimpake ako, nakita ko ang litrato ng lolo ko sa tuhod. Lolo namin ni Ayumi sa tuhod.


Makalipas ang ilang oras, oras na para sa flight ko kaya naandito na ako sa airport at hinihintay na lang ang flight number ko. Nagpapatugtog lang ako sa phone ko gamit ang earphones na nasa tenga ko. Inaalala ko kung ano nang mangyayari kay Ayumi ngayong wala ako sa tabi niya. Sino na ang aasikaso sa kanya? Ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang wala na ako?


Matapos ang kanta ay tinawag na ang flight number ko kaya ngayon ay naglalakad na ako papunta sa eroplanong sasakyan ko.


Hintayin mo ako Ayumi, babalik ako. Babalik ako pinsan para tulungan ka"


End of Flashback



a/n: Chada!!! Yehet xD bukas next Chapter :)

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon