Chapter 34: Not right

1.3K 39 6
                                    

Takeshi's POV


Andito kami ngayon sa library para maghalughog pa ng mga bagay na makakatulong pa sa pagtuklas namin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng nasa riddle na iyon. Para kasing may mali at hindi namin alam kung ano.

Nasolve na namin yung oras dahil sa 100 dollar bill. Kung nasa 1776 tayo, kung alas tres ngayon, alas dos naman dati kaya 1 hour interval ang meron.pero bakit iba ang pakiramdam ko sa nangyayari? Yun lang ba talaga iyon?


"Takeshi, naghanap ako ng mga konektdo sa BCO" sambit sa akin ni Charles at ipinakita niya sa akin ang listahan na nagawa niya sa paghahanap.


AIM Globa BCO Naga

Benjamin Miner, BCO-DMO

BCO Carbon Neutral


Madami pang nakalaagya pero wala namang nakaagaw sa pansin ko sa mga nakasulat dito.

Tinignan kong muli ang nakuhanan kong riddle at may napansin akong kakaiba. Sa upper part niya, parang may half box tapos may linya na papunta sa gitna.

 Sa upper part niya, parang may half box tapos may linya na papunta sa gitna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dre napanood mo ba yung movie ng Detective Conan?"

Bigla akong napatingin sa nagsalita sa likod namin.

"Oo dre! Grabe ang astig ni Conan dun! Ang galing nung pagbend ng bola! Sakto talaga sa gitna!" Gitna?

"Oo nga eh! Grabe! Sana magawa ko din yun!"

"Sana nga magawa mo sa sport fest natin! Kaso wag sa goal post ah! Sa goal mismo!" Goalpost

"Sira ka talaga! Malamang! Wala anmang bomba na nakalagay sa school nati para ipatama ko sa gitna ng goal post no! Ay teka, anong oras nga pala laro natin?"

"3:10 dre yung pinaka start talaga. Sinabay nga sa basketball eh nakakainis yung girlfriend ko tuloy di makakanood kasi nirequired sa kanila manood ng basketball." 3:10

"Hayaan mo na dre! Galingan mo na lang para sa finals tayo lalaban tapos doon na manonood girlfriend mo."

"Sana nga dre!"

Umalis na yung dalawa habang nagdadaldalan pa din sil.

Gitna

Goalpost

3:10

Bigla akong napatingin ulit sa note na kinunan ko at mas pinagtuunan ko nang pansin yung kakaibang pattern na nasa itaas.

Tang ina tama nga ang hinala ko!

Alam ko na kung paano at saan mangyayari ang sinabi sa note. Ang kulang na lang ay sino ang gagawa nito?


A/N: Merry Christmas!!!!!

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon