Chapter 18: Another Case

3.7K 102 3
                                    

Chapter 18

Ayumi' s POV

Andito ako ngayon sa school dahil marami nang ginagawa para sa nalalapit na school fest at sport fest. Pinagsama ko na lang dahil kung hindi ko gagawin yoon ay magsasabay ang foundation day, sem break at sport fest namin.

Buti na lang at araw- araw nag- eensayo ang mga varsities kaya hindi na problema. Isa rin kasi iyon sa mga rules ko sa varsity para pag may emergency na laban sa ibang school ay handa sila.

3 araw na rin ang nakalipas simula ng dumating si Charles at dito na rin siya nag- aaral.

Sina Ian naman at Takeshi ay magkasundo na di tulad ng dati na kulang na lang magpatayan sa mga titig nila.

"Ate Ayumi, paano po itong tent para sa Shooting booth? Ano po bang mas magandang theme? Cowboy po o parang military theme?" tanong sa akin ni Crizelda.

Siya yung kinuwento sa akin ni Ian na sinagip niya daw isang bes. Madaldal kasi kaya naikwento niya sa akin. Hay nako po pero nakakatuwa naman itong batang to dahil sa magiiw siya at hindi halata sa mukha niya na gagawin niya ang ganoong bagay. Siguro may nangyari lang talaga.

At isang malaking coincidence na siya ang bagong secretary ng school dahil sa nagresign na yung dati at lumipat ng ibang lugar.

" Pwede ba Crizelda, huwag mo akong inaate at baka masapok kita" sabi ko sa kanya.

Magkasing tanda lang kami actually months lang ang pagitan pero inaate niya ako at sinabi ko nang huwag pero ate pa rin siya ng ate.

"Idol ko po kasi kayo kaya ate ang tawag ko sa inyo tsaka po ginagalang ko kaya kaya ate po talaga tawag ko" sabi niya akin with all smile pa. Hay nako po. Kasing edad ko ba talaga to o sadyang nakulong ang isang 12 years old na bata sa katawan ng isang 18 years old?.

"Fine sige bahala ka pero wag ate Ayumi. Ayumi-neechan na lang okay?" sabi ko sa kanya.

Nagningning naman yung mga mata niya at tumango.

"Yung tungkol naman dun sa theme ng booth, mas maganda kung military booth ang gagawin niyo. Pagkaraniwan na kasi kapag cowboy eh" sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya at nilista iyon sa notes niya.

"Thank you neechan. Sige, alis na po ako. Ang dami pa po kasing gagwin." sabi niya.

Tumango na lang ako at umalis na siya. Dumiretso ako sa cafeteria dahil gutom na talaga ako.

Nang makaratin ay umorder na ako at humanap ng upuan. Kakain na sana ako ng biglang....

*Fucking Perfect Ringtone*

Seryoso?!!

Tiningnan ko kung sino ang caller at nakita ko na si Inspector. Sinagot ko agad ito.

"Hello Inspector, salamat sa pang- iistorbo sa kain ko ngayon ha. Hindi pa ako nagugutom at hindi ako galit sa ginawa mo" full of sarcasm kong sabi.

"Pasensya na Ayumi pero may bagong kasong nangyari na naman. Alam kong busy ka diyan pero kailangan ka namin ngayon." buong seryoso niyang sabi.

Napabuntong hininga ako dahil kahit kailan ay hindi ko matatanggihan si Inspector pag tungkol na dito ang mangyayari.

"Sige Inspector pero I'll be late for 20 minutes dahil kakain pa ako and just text me the address, arasso? Annyeong!" sabi ko sa kanya at binaba ko na ang phone ko.

Tinapos ko na ang pagkain ko at tinext ko si Takeshi at Ian na sila muna ang bahala sa school pati na rin nakiusap ako na paki alalayan si Crizelda. Masyado na siyang busy dahil na rin sa event na ito tapos ay mawawala pa ako.

Pumunta na akong parking lot at kinuha si Luke, ang Chevrolet kong sasakyan. Naisend na rin sa akin ni Inspector ang address at pumunta na ako doon.

Another case to solve e?

A/N: As what I promised XD.

Vomment po pleaassseee ^^. Komawo ^^.

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon