Chapter 20: The Unexpected Serial Murder Case Part Two

2.8K 92 6
                                    

Chapter 20

Ayumi's POV

Pinapunta ko dito yung taong sinasabi ni Inspector.

Nagpunta ako doo sa lugar kung saan nakalagay ang mga clips ng CCTV sa labas ng building na ito.

Pinanood ko ang kuha kaninang umaga.

Unang pumasok si Gino Arigo, yung boss nila ng mga 4 ng hapon. Sumunod naman si James mga alasingko na nang hapon at kasabay niya lang pumasok si Derick.

Makalipas ang isang oras, pumasok si Atkins at pagkatapos ng tatlumpung minuto bago siya lumabas.

Nagtaka ako kung bakit hindi pumasok ang babaeng iyon.

"Dito natutulog si Raven. Siya ang nagsabi na gusto niya dito magstay ng isang linggo".

Napatingin ako sa likod sat nakita ko si Takagi.

"Long time no see Takags" sabi ko na inaasar siya at sabay batok sa ulo niya.

"Tumigil ka nga sa kakatawag sa akin ng ganyan Ayums!" asar niya rin sa akin pabalik.

"San ka galing? Bat nung nag solve ako ng case sa may Manila Hotel wala ka? Anyare?" tanong ko sa kanya. Lagi kasi siyang nakadikit kay Inspector kaya nakakapagtaka kung bakit wala siya.

"Wow concern, de joke lang. Nanganak na yung misi ko kaya wala ako nung last case" sabi niya sa akin.

"May asawa ka pala?! Pinikot mo lang no?" asar ko ulit sa kanya.

"Sira ka talaga Ayumi! Syempre gwapo yata to!" sabi niya with matching pogi sign.

Umarte ako na nasusuka at nangunot naman ang mga kilay niya. Natawa ako ng tuluyan ahil sa itsura ng mukha niya.

"Aalis na nga ako! Pinagti tripan mo lang ako eh!" sumbat niya sa akin.

"Oo na lang!" sagot ko sa kanya pabalik.

"Ikaw nga pala ninang ng anak ko ah!" pahabol niya sabay takbo.

AKO NINANG?! ANG BATA KO PA AH!

"ANG BATA KO PA!" sigaw ko sa kanya.

"OKAY LANG YAN!" sigaw niya rin at tuluyan na siyang nawala.

Napailing na lang ako sa ginawa niya. Kumuha ako ng papel at ballpen at sinulat ang mga naobserbahan ko.

Unang pumasok sina Gino at matapos ang iisang oras ay sumunod sina Derick at James. Ala sais na nang pumasok si Atkins at lumabas siya ng 6:30. Tatlumpung minuto ang nakalipas bago siya lumabas.

Nawawala ang pera sa vault at pinatay ang mga naandito pwera lang sa isa. Sinadya bang hindi pataying ng killer si Raven dahil alam niyang hindi  naman siya nakikita nito habang ginagawa ang krimen?

Umalis ako at naglibot mula sa crime scene. Pumunta ako sa opisina ni Gino at tiningnan maigi kung may makukuha ako.

Malakas ang kutob ko tungkol sa kasong ito. Parang maraming pang sikreto ang hindi nabubunyag at dapat ko itong ilabas.

Napatingin ako sa sahig at nakita kong parang may nabasag dito

Pumunta ako doon at hinawakan ang sahig gamit ang daawa kong daliri at inamoy ito.

Isang bote ng pabango ang nabasag dito.

Pumunta ako sa drawer at binuksan ko ito. Nakita ko ang tatlo pang bote ng pabango. Inamoy ko ito at parehas lang ito ng amoy nang nasa sahig. Tumingin ako sa buong opisina pa at nakita ko ang isang part sa dingding na kakaiba..

May butas ito kaya tiningnan ko ito. Nakita kong parang may isang maliit na bintana ang meron sa parteng ito at meron ding butas.

Nilusot ko ang daliri ko sa butas at pagkatapos ay hinila ko ito.Hindi ako nabigo dahil isa itong hidden window sa loob ng opisina.

Tiningnan ko kung ano ang makikita sa bintanang ito at nakita ko ang isang kwarto. May hinala na ako kung kaninong kwarto ito kaya sinara ko na itong muli.

Umalis ako sa opisina habang hawak ang pabangong nakuha ko sa drawer ni Gino. Pumunta ako kung saan nakalagay ang mga bangkay. Kinapkapan ko ang bulsa ng isang bangkay at may nakuha ako. Kinuha ko ito at nakita ko na katulad ito ng pabangong nakuha ko kanina.

Inamoy ko ang bawat isang bangkaya at pare- parehas lang sila ng amoy katulad ng amoy ng pabangong nakuha ko.

Sinasabi ko na nga ba eh.

Nilagyan ko ang sarili ko ng pabango at lumapit kay Raven.

"Sinong naandyan?" tanong nito sa akin.

"Sino sa palagay mo?" tanong ko sa kanya gamit ang panlalaki kong boses.

Halatang namutla siya at nakita ko ang mga kamao niyang naiyukom na niya.

Napasmirk ako sa naging reaksyon niya. Umalis na ako doon at pinuntahan si Inspector.

A/N: Hello guys!!! XD

Sorry for the long wait!!! Busy lang talaga XD. Mahaba ata to XD. VOMMENT GUYS!!! KAMSA!! XDDD

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon