31
"Hmmm, san ka nagmana ha? erpats mo ba 'to si louie?" takhang tanong ni Miguel kay Art. Parang tanga kala mo naman sasagutin siya nang bata.
"Hindi po, muta po ba kaming mag-tatay? sabi ni Mama masama daw poe ugali ni Dada" kalmadong sabi ni Art kay Miguel. bigla naman itong tumawa nang malakas kaya nagsi-tinginan ang mga tao sa'min. matatadyakan ko talaga 'tong hayop na 'to. (mukha - muta) (po -poe)
Inis na mukha naman ang nakita ko kay Louie dahil mukhang 'di niya nagustuhan ang pinagsasabi ni Natalia kay Art.
"Palaruin ko lang muna si Art" ngiting sabi ni Natalia upang maka-alis sa'min.
"Gail tara sunod tayo don" pang-yayaya ni Louie sa'kin. wews.
Hinila nanaman ako ni Miguel papunta sakanya upang 'di ako makasunod kay Louie. hatak nanaman 'tong kupal na 'to.
"Hilig mo talagang mang-hatak, kotongan kaya kita?" sumbat na sabi ko.
"Ano magpapaloko ka nanaman?" seryosong sabi ni sa'kin. Sinapak ko naman ito sa gilid kaya napahiyaw siya nang onti.
"Kakakita palang namin tanga, advance ka masyado" sambit ko sakanya.
"Puntahan ko lang sila, saglit lang 'to" pagsasabi ko sakanya.
"Third-wheel ka hoy!" sigaw niya sa'kin. wala itong pake sa mga tao dahil nga sakanya 'tong arcade na 'to. kupal diba?
Nakita kong naka-upo si Natalia habang naglalaro sila Louie nang claw machine.
"Hi! sorry kanina, kaibigan ko 'yon wala sa tamang pag-iisip eh" pagpapaliwanag ko sakanya. tumawa naman ito nang mahina. bakit pag tumatawa ako mukha akong tanga? ang unfair nang mundo.
"Okay lang" ngiting sabi niya "ganon di naman minsan si Louie, kaya sanay na 'ko "
"Kailangan ko na pala umalis, may kailangan ako tapusin sa trabaho eh" sambit ko sakanya.
"Hindi ka ba magpapaalam sakanila?" tinuro niya pa sila Art na masayang naglalaro. umiling naman ako.
"Pakisabi nalang sakanila, Nice meeting you Natalia" ngiting sabi ko. ngumiti naman ito pabalik sa'kin.
"Wait, bigay mo nalang number mo sa'kin para may contact tayo sa isa't isa" ngiting sabi niya sa'kin.
Binigay ko naman sakanya ang aking number at tuluyan nang umalis dahil may kailangan talaga akong tapusin.
"Watsap" sambit ni Miguel na sumabay sa'kin maglakad.
"Umalis ka siguro dahil nandito ako?" ngising sabi niya. inirapan ko naman ito.
"Feeling ka din minsan 'no? hatid mo 'ko" inirapan niya naman ako kaya sinamaan ko ito nang tingin. kung di lang nagka-jowa 'to, iisipin kong binabae 'to kung di ko siya kaibigan.
"Third wheel ka ghorl?" patawang tanong niya sa akin.
Tumingin naman ako sakanya "yung totoo tumanda ka ba talaga? yong isip mo nagkadamage ata dati dahil sa aksidente mo" pabalang kong sabi sakanya.
"Ano ba 'ko Lolo na? nako nako! gail wag mo 'ko madamay damay sa ganyan alam ko namang baby face ako kaya wag mo 'ko idamay sa kalokohan mo ha!" pagpapaliwanag niya pa sa 'kin na may kasamang pag-iling. parang gago amputa baby face daw.
Nagmamaneho na si Miguel papa-uwi sa condo pero bigla 'kong napaisip na wag umuwi dahil nandon nga si Louie! sa dinami-dami ba naman kasi nang condo sa building ko pa! Sumpa ba 'to?! Hindi ko hiniling 'to! ay wait.
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...