Chapter 5

58 12 0
                                    

05


"Ingat papauwi!" sigaw ko kay Miguel.

Papasok na 'ko sa bahay nang biglang bumusina si Miguel kaya napatingin ako sa gawi niya "di mo pa rin sinasabi sakin yung kanina!" sigaw niya.

Di ko na siya pinansin at patuloy lang pumasok sa loob nang bahay.

"Papa!" tumingin ako sa unang kwarto pero wala naman si papa doon, pumunta akong kusina 'kong nandon si Manang Elba.

"Oh Gail! late ka nanaman nakauwi jusko po!" ngiti lang ang binigay ko sakin dahil alam kong papagalitan nanaman ako.

"Pumunta po kasi kami ni Miguel sa arcade..niyaya niya po kasi ako" pagsisinungaling ko kay Manang Elba.

"Ganon ba?" mukhang sumang-ayon naman siya sa sinabi ko "kumain kana ba?" kukuha na sana siya nang pagkain pero pinigilan ko ito.

"Kumain na po kami sa labas" kinuha ko na yung bag ko na nakalagay sa upuan.

"Nasaan po si papa Manang Elba?" kanina ko pa hinahanap si papa kasi alam kong umuwi na siya galing trabaho.

"Sabi nang papa mo malalate siya umuwi kasi may kinita pa daw siya" sabi ni Manang Elba habang naghugas nang pinggan.

"Ganon po ba?" sinabit ko na yung bag ko sa balikat ko "akyat na 'ko Manang" di ko na narinig yong sinabi ni Manang dahil nakaakyat na 'ko sa taas.

"Nakakapagod!" singhal ko. First Day palang pero andami na nangyari sa isang araw, hay!

"San kaya nakatira yon?" bulong ko, pero putcha bakit ko ba iniisip yon? muntik na 'kong atakihin sa puso kanina dahil sa ginawa niya.

"Aish!" paikot ikot lang ako dito sa higaan kasi naiinis ako sa sarili ko.

Bigla akong napatigil nang biglang nagring yung phone ko.

+6396112*****

Sino naman to? "Hello?" sabi ko sa kabilang linya pero wala naman akong narinig. baka prank call lang to? punyeta wag ngayon.

"Tangina mo!" sigaw ko, ibababa ko na sana yung tawag nang biglang may tumawa sa kabilang linya.

"Hello! kung nagpraprank call kayo wag ngayon kasi baka mapatay ko pa kayo" iniinis ako netong hayop na to.

"Its me" it's me? me pangalan niya?

"Wala akong kilalang me"

"Louie" ah si louie, si louie! fuck bat siya tumawag tangina sorry mader dear.

Umayos ako nang upo sa higaan kasi hanggang ngayon kinakabahan ako. "ah louie hello" masayang bati ko "pano mo nakuha number ko?" tanong ko.

"I got it from Miguel" puta na yon sabi ko na nga bang di ako titigilan 'non eh.

"Ah ok.... bakit ka tumawag?"

"Let's talk" seryosong sabi niya saakin. sarap pakinggan!

"Naguusap na nga tayo"

"No.. i mean fuck let's meet up after school" bat galit? may pag fuck ah? hmm.

"At bakit naman?"

"Kasi kinuhaan mo 'ko nang picture!" sigaw niya sakin. ang tinig naman nang boses ni bebeboi.

"Ba't ka naninigaw?" galit kong sabi sakanya.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon