Chapter 16

43 13 1
                                    

16


"Hoy" nakita ko siyang nakasimangot sakin. ano nanamang problema nito?

"Di mo na'ko pinapansin" napakunot naman ako nang noo. "si lou nalang lagi di mo na'ko pinapansin" nginuso niya pa yung aso. ghad, dahil sa aso nagkakaganyan siya.

Tumawa ako nang mahina "pati aso pinagseselosan mo?" bigla naman namula yung tenga niya. halatang halata ang pagkapula niya dahil maputi ito.

"Pft? sino nagsabing nagseselos ako? aso lang yan ako naman gusto mo" nang sabihin niya yon napakurap nalang ako sakanya. ang hangin grabe!

Umiwas nalang ako nang tingin at nakita ko naman siyang napailing.

"Uuwi mo ba si lou sainyo?"tanong ni louie sakin kaya tumango ako.

"Sa weekends sakin siya ah" tinignan ko naman ito nang makahulugan "what? anak ko din naman yan" ugh! nakakakilig.

"Oo na, tsaka pwede mo naman siya bisitahin sa bahay" mukhang nagulat siya sa sinabi ko "bakit? ayos ka lang?"

Umiling ito "baka gahasain mo 'ko sa bahay niyo wag nalang" sinapak ko ito nang mahina sa braso kaya tumahol si lou sakanya. mommy's boy.

"Lou? ano kakampihan mo mama mo? unfair ka ah" humalakhak ako sa sinabi niya habang sinamaan niya ko nang tingin "bully kayong dalawa" bulong niya.

Patuloy lang siya sa mga sinasabi niya hanggang sa nakarating na kami nang bahay pababa na sana ako kaso pinigilan niya ko.

"Ano nanaman?" ngumuso ito at pumikit. abat! makulit ka ah.

Lumapit ako para pitikin yung noo niya "aray!" hinimas niya naman yung noo niyang namumula.

"Ikaw yung chansing eh" sabi ko sakanya at inirapan.

"Unfair elisha! dati crush mo lang ako pero ngayon ako na yung humaha-" hindi ko na ito pinatuloy at hinalikan siya. sa pisnge nga lang ah. pagkatapos ko gawin yun tumakbo na 'ko papasok nang bahay.

Nadatnan ko si papa nanonood nang tv na napunta din sa gawi ko "oh?napano ka? at ano yang hawak mo?"

Binaba ko muna si lou para kumuha nang tubig sa kusina.. pagkabalik ko don nakita kong nakikipaglaro na si papa kay lou. pa, apo mo lang naman yan. charot!

"Regalo ni louie sakin yan pa tapos kanina tumakbo ako kaya hingal ako hehe" napakamot pa ko sa ulo.

"Maaalagaan mo ba 'to gail?" seryosong yanong ni papa. nako pa basic!

Tumango naman ako "baka matrauma ka nanaman gail ah"

Simula kasi nong namatay ang aso kong si shanel hindi na 'ko masyadong naging malapit sa mga hayop dahil nga namatay si shanel.. matanda narin kasi ito at nagkataon pang nagkasakit kaya namatay siya.

"Ok na 'ko pa malakas kaya ako" pinakita ko pa sakanya yung braso ko kaya natawa siya sa akin.

Kinuha ko na si lou sakanya at umakyat na para narin matulog dahil mukhang mahabang haba ang araw ko bukas.

Binaba ko si lou at nakita kong inaamoy niya ang mga gamit ko "house mo na 'to ah" sabi ko sakanya at tumahol naman ito na parang naintindihan niya yung sinabi ko.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon