01
"Samahan mo na kasi ako!"
Hatak hatak ko ngayon ang kaibigan kong si Miguel, dahil pinipilit ko itong samahan ako sa arcade.
"Hindi nga pwede! kulet mo naman gail, first day na first day magcu-cut class tayo? ayos ka 'lang"
Padabog kong binitawan ang braso ni Miguel "Edi Wag! hindi kana sasama samin sa buong taon, iiwan ka na namin mag isa!"
Tumawa lang nang malakas si Miguel sa aking sinabi at sabay hatak papasok sa Campus " dami mong sinasabi, tara na nga!" habang hatak sakin papasok.
Hanggang ngayon wala paring nagbabago sa Campus na 'to ganon parin itsura,maaliwalas..puti pero maganda naman tignan, kuripot naman kasi may-ari nito di man lang binago yung mga pintura para nang munisipyo kung tignan sa malayo.
"Gail!Miguelito!" napatingin naman kami sa sumigaw nang pangalan namin.
"Sabi ko sayo wag mo 'kong tatawaging Miguelito. Simon!" pabalik na sigaw ni Miguel kay Simon, Si Simon kaibigan rin namin ni Miguel.
Natatawa nalang ako dahil pareho na silang naghahabulan. tumingin tingin ako sa paligid namin kung nandito na ang iba naming kaibigan.
Pero may nahagilap akong isang lalake na tila naliligaw na parang tuta. Ang pogi niya. pero teka ba't ko ba iniisip yon? Aish!
Huli na nong malaman ko na papalapit na ko sakanya kaya napatingin narin siya saakin "Hi!" masayang sabi ko sakanya pero mukhang nagtataka siya kung bakit ako lumapit.
"Mukha kasing naliligaw ka kaya nilapitan na kita.. anong class mo?" tanong ko naman sakanya pero hindi parin niya sinasagot yung tanong ko.
"Hellooooooo?" tinignan ko siya nang mabuti kong anong reaksyon niya. pero hanggang ngayon nakaseryoso lang yung mukha niya.
"Hoy louie tara na nga!" napatingin ako kung sino umakbay sakanya, Si Cyril Class 3.
"Oy! Elisha Hi!" bati ni Cyril sakin kaya napatango naman ako.
"Sige una na ko mukhang ok na naman na" papaalis na sana ako.
"Saglit!" kaya napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa gawi nila "Salamat" nag thankyou nga pero yung mukha niya di masaya, ano kaya 'yon?
"Hehe sige" umalis na ko at bumalik sa mga kaibigan kong mukhang nagaasaran nanaman.
"Ang bobo mo! Manok nga kasi yung nauna" tugon ni Chloe kay Miguel.
"Pano mabubuo yung manok kung di nauna yung Itlog ha? ikaw yung bobo 'no!" sigaw naman ni Miguel
Nakakatawa dahil pinagaawayan lang nila kung nauna ba yung itlog at manok, ang babaliw talaga.
"Ako bobo? 'lika dito!" sigaw ni Chloe at hinabol si Miguel na kanina pa paikot-ikot tumakbo.
Nahabol naman ni Chloe si Miguel "bobo ako? mas matalino pa nga ako sayo eh" sigaw niya.
"Yung utak mo pang kinder" habang sinusuntok niya yung braso ni Miguel.
"Oo na! sorry!" habang pinipigil ang panununtok ni Chloe.
"Ano ba! oo na nga eh" galit na sabi ni Miguel.
Halatang halata kay Miguel na galit-galitan lang siya kay Chloe para tumigil na sa panununtok si Chloe.
"Okayyyy" masayang sabi ni Chloe at pumila na sa Class niya.
"Hoy wag na kayo magharutan, pumila na tayo" sabi samin ni Alyanna, kaibigan rin namin.
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...