24
"Kamusta?" pag-aalalang tanong sa akin ni Alyanna.
Ngumiti naman ako nang pilit sakanila "Okay lang ako baliw" masakit.
"Hmm? pero di pumasok nang isang linggo" pagpaparinig ni chloe sa akin.
Grabe naman talaga yung bibig nitong babaeng 'to.
"Nagkalagnat ako okay?" striktong sabi ko kay chloe pero mukhang hindi ito sang-ayon. syempre siya pa.
"Malapit na Graduation Gail! wag kana mag absent pwede?" kalmang sabi sa akin ni Alyanna.
Natawa naman ako sa panenermon nya sa akin kahit maharot 'to Grade Conscious ito. Silang tatlo ni Simon at Chloe, habang kami tamang libang lang pero nagaaral padin.
"Oo, promise" nakataas pa ang aking kanang kamay na parang nangngangangako sakanya.
"Tawagan natin si Miguel para kompleto tayo" pagsisingit ni chloe sa akin. Hay halatang halata.
Napatingin naman kami sakanya.
"Oh bakit?" takhang tanong niya sa amin.
"Si Miguelito lang?" ngising sabi ni alyanna.
"Sila nga diba?"
"Sabi mo si!"
"Sila sabi ko baliw"
Patuloy lang sila sa pag aaway hanggang sa ako nalang yung tumawag.
"Bakit?"
"Punta daw kayo SM" sabi ko sa kabilang linya.
"Ha? Sino?"
Ang slow puta.
"Sabi nila chloe sama mo si shane kong sasama"
"Sige ot-"
Di ko na pinatapos ang tawag at dali daling pinatay ito. Nakita ko naman na nagpipicture silang dalawa. yan ako lang pinatawag sayang load.
"Sama ako" ngusong sabi ko. lumapit naman ako sakanila.
Nagpicture naman kaming tatlo habang hinihintay sila Miguel. Naalala kong bibili pala ako nang Dog Food tsaka mga ilang pens kaya nagpaalam muna ako sakanila.
"Text ka nalang namin!" sigaw ni Chloe sakin. tangina nakakahiya sumisigaw.
Pumunta na 'kong Pet Shop pero wala akong maintindihan dito dahil si Louie lang naman ang may alam nang mga 'to. kung di siya nagloko tatagal sana kaming lokong yon.
"Uhm, miss you're holding my hand" biglang akong natauhan nang marinig ko ang baritonong boses nang lalake. napatingin naman ako sa lalakeng katabi ko. mukhang crew dito.
"Uhm Hi sorry, pero kuya may alam kang Dog Food na masarap dito?" pagtatanong ko.
Natawa naman siya sa akin. Luh baliw? walang mata!
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...