37
"Kalma mo puso mo" pabirong sabi sakin ni Louie. sinamaan ko naman ito nang tingin kaya tumawa pa ito lalo. "Kumain ka pa nang marami" sambit ulit nito.
Ganon ganon lang yon? kanina pa 'ko kinakabahan dito pero kalmado lang siya?! yon na yon?
"Ayoko na busog na 'ko" sambit ko dito. Tumayo na ako para ilagay yong plato sa lababo pero kinuha naman ito ni Louie. "Trip mo?" takhang tanong ko.
"Busog? halos wala pa nga sa kalahati yong kinain mo" ani nito sakin. Eh bigla akong nabusog eh.
"Mamaya nalang ulit, busog pa 'ko" sambit ko dito at dumiretso na sa kwarto para don matulog. Bahala siya maghugas diyan.
Seryoso siya sa sinabi niya kanina. kinilig ako oo, pero matanda na 'ko ba't pa 'ko kikiligin? saglit, may age limit ba yon? patuloy lang ako sa pag-uusap sa aking sarili nang biglang kumatok si Louie.
"Pasok ako ha?" sambit nito bago buksan ang pinto.
"Iniwan mo 'ko mag-isa" malungkot nitong sabi habang nakanguso ang bibig nito. "Porket sinabi ko yon" bulong niya sa sarili pero maririnig mo naman ito.
"So ano..." nahihiyang sabi ko. Hindi ako makatingin nang diretso kaya inayos ko muna ang unan ko upang makaiwas sa kanyang tingin. "Ano.. kasi, nililigawan mo ko?" hiyang sabi ko.
Putcha, hindi na 'ko teenager para umakto nang ganto. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa kaya napatingin ako sakanya, tinatawa mo diyan?!
"Oh, ba't ka naman tumatawa? nakakatawa yon?!" inis na sabi ko sakanya pero tumawa lang ulit ito.
"Lumayas ka sa unit ko." iritang sabi ko, putcha.
Nawalan na 'ko nang gana.
"Wait sorry kasi, saglit" tawa nitong sabi. pinakalma niya muna ang sarili bago ulit magsalita "Ang cute mo kasi nong tinanong mo 'ko" ngiting sabi niya sakin.
Bigla naman akong nairita sa kanyang sinabi.
"I'm not a puppy Louie" sambit ko at umayos na nang upo sa kama "Papalapa kita kay Lou pag di ka tumigil" pabanta kong sabi pero tumawa lang ito.
"Mas mahal ako ni Lou, baby" ngising sabi nito.
What? puta ano? baby? ako? putcha. dahil sa hiya binato ko ang isang unan pero nakailag naman ito.
"What? ako naman talaga mahal niya" sambit nito sakin. Hindi yon punyeta ka, Binato ko pa yong isang maliit na unan para marealize niya yong sinabi niya.
"Ah baby?" takhang sabi nito kaya binato ko pa ang isang unan sakanya.
"Isa Louie Santos, pag di ka tumigil gagawin kitang santol" inis na sabi ko at humiga sa kama para iwasan siya.
"Dalawa Elisha Gail Velasco pag hindi ka humarap hahalikan kita" sambit nito kaya napatigil ako. what the hell? hindi parin ako tumayo at pilit na pumikit pero bigla naman niya kong hinatak kaya napatili ako.
"Baby, tinutupad ko sinasabi ko" bulong nito sakin.
He is so near! Putcha, anong gagawin ko.
"H-hoy joke lang" utal na sabi ko pero mas nilapit niya pa ang kanyang mukha sa mukha ko. Okay, what the fuck!
"I kinda like your jokes, btw" ngising sabi nito at sabay inamoy ang aking leeg kaya napatigil ako sa pag galaw. "You smell so good" bulong nito.
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...