10
"Ganda gising teh?" ngising sabi sakin ni Simon.
"Lagi naman maganda gising ko ah?" totoo naman kasi.
"Lagi mo kaya kami sinusungitan" luh, masyado ba kong halata? "bat namumula ka teka saglit" lumayo ako kay simon pero hinablot niya yung braso ko "wala ka namang sakit ah?" habang hawak ang aking noo.
"Teka nga wala! mainit kasi ano bayan!" ang oa talaga nila, teka asan yong isa? "Mon asan si Miguel?" tinignan ko ang buong sulok nang classroom pero hindi ko siya nakita.
"Walang sinabi sakin e, ikaw? magkasama kayo kahapon diba?" hindi ko nalang pinansin ang tanong niya at dali-daling tinawagan si Miguel.
"Sorry you don't have enough bala-" wala pala akong load panira putcha!
"Ay walang load poor" fuck you! binatukan ko ito.
"Tawagan mo si Miguel malalate na siya"
"Wala rin akong load" hinihimas himas niya naman ang ulo niya. "sakit puta" bulong niya.
Itetext ko nalang sana si Miguel kaso biglang dumating yung teacher kaya nakinig nalang ako.
Mabilis natapos ang tatlong subject sa umaga. lumingon ako sa gilid ko na hanggang ngayon di parin pumasok si Miguel sa klase, ghad! graduating siya dapat di nagaabsent yon eh, tamad talaga!
"Mon, pst! gising" ginigising ko 'na ito dahil recess na at nagugutom na 'ko wala pa kong kain pero di parin magising kaya hinampas ko yung katabi niyang lamesa kaya nagulat siya.
"Sugod mga bobo!" yan, ml pa gago.
"Hoy!" nagulat siya sa sigaw ko kaya napatingin siya sakin "recess na tara!" ngiting sabi ko sakanya at naunang lumabas sa classroom.
"Gail dito!" napatingin ako sa sumigaw sa pangalan ko at nakita kong sila Alyanna iyon. sinubo ko yung burger na kinakain ni Shane kaya natawa nalang siya sa ginawa ko.
"Si Miguel?" tanong ni chloe kay simon nakakarating lang.
"Miss mo?" umupo ito sa tabi ni alyanna at nakikain sa mga pagkain na nakalatag.
"Gago! wala kasi akong kaasaran" umiwas na ito nang tingin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hmm? okayyy absent eh" ngiting sabi niya.
Di na kami bumili nang pagkain ni simon dahil ang daming pagkaing nasa table, richkid mga kaibigan ko! 30 minutes lang yung recess kaya nagkwentuhan lang kami habang sila shane at alyanna may tinatapos na powerpoint.
"Una na'ko sa classroom mon" tumango naman ito at pinagpatuloy ang kanilang kwentuhan.
Hm? asan kaya siya? di ko nakita bebeboi ko ngayon nakakaiyak. pinuntahan ko yung classroom nila pero walang tao.
"Sino hinahanap mo?"
"Ay puke mo!" shocks! ang lapit nang mukha niya sakin, ay wow clearskin! ano sabon mo teh? ngumiti siya sakin at sumandal sa pader.
"Bibig mo hoy" bibig ko? anong meron?
"Bibig ko?" hinawakan ko ito pero wala naman akong duming nahawakan "wala naman ah"
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...