Chapter 6

52 12 0
                                    

06


"Ang ingay puta!" sigaw ko sa alarm clock na tunog nang tunog kanina pa "gising na nga!" at yon nga kaya ayaw ko magalarm clock kasi masisira nanaman.

Bumangon na'ko at mabilis na naligo kasi naalala ko nasusunduin ako nang dalawa. pagkatapos ko magbihis nagsuklay muna ako tapos naglagay nang konting pulbo tsaka liptint.

Kinuha ko na yung bag ko at nilagay yung mga gamit na dadalhin ko sa school. pagkababa ko nakita ko na sila Miguel na kumakain nang almusal.

"Oh, Gail kumain kana dito nang makaalis na kayo" yaya sakin ni Manang Elba.

"Si papa po?" tanong ko habang kumukuha nang tinapay na may itlog.

"Tulog pa, mamaya pa ata gigising yon" sabi ni Manang Elba sakin at mabilis na pumuntang kusina.

"Hoy akin yan!" habang may tinapay pa sa isang kamay, patay gutom.

"Oh iyo na!" sabi ni Simon kay Miguel

"Hoy Miguel ang dami daming tinapay nangaagaw ka pa" sabi ko sakanya

"Tama babes Gail pagtanggol mo'ko" kinuha niya yung isang upuan at sabay na tumabi sakin.

"Pagtanggol mo ko nye nye" panggagaya ni Miguel kay Simon kaya inirapan nalang siya nito.

"Aga-aga ha" seryosong sabi ko sakanila.

Tumayo na 'ko at pumunta kay Manang Elba para magpaalam "Alis na po kami!"

"Magingat sa biyahe Miguel ah"

"Opo manang babye po!" kinuha naman sakin ni Miguel yung bag ko at lumabas na rin nang bahay.

"Sige po Manang" respetong sabi ni Simon kay Manang.

"Diyan ako!" tinulak pa nga ako! puta talaga!

"Yan saksak mo sa baga mo!" umupo nalang ako sa likod dahil inagawan ako nang upuan ni Simon.

Naguusap lang sila Miguel at Simon habang ako naman ay nakatingin lang sa labas nang bintana.

Matutulog muna kaya ako? pipikit na sana ako pero bigla naman akong kinausap ni Miguel.

"Gail ano nga palang nangyare kahapon?" tanong ni Miguel sakin habang tumingin saglit sakin.

"Kahapon? bakit anong meron?" puta nagtanong pa.

"Si Gail kasi kahapon pumunta kami arcade tapos diba yung bagong Student? yung crush ni Gail sinabihan niya nang Manyak hahahaha" kwento ni Miguel sakin.

Yan nanaman sila akala siguro nila wala nanaman ako kaya tinignan ko nang masama si Miguel.

"Ay yung louie ba yon?" tanong ni Simon

"Oo! hahahahaha para kaya siyang baliw non tinawag niyang Manyak amputcha! lt bro" natatawang kwento ni Miguel kay Simon.

"Oo nga pala kagabi din tumawag ako kay Gail pero sabi niya ba naman sakin bebeboi hahahahahaha"

Tahimik lang akong nakamasid sakanila kasi tawa lang sila nang tawa hanggang sa makarating na kami nang school. lumabas na agad ako nang kotse kasi maiinis lang ako sakanilang dalawa.

"Hoy gail! nakabusangot kananaman" tanong sakin ni Chloe

"Paepal kasi yung dalawang yan kanina pa 'ko inaasar" kwento ko habang nakasunod naman sa likod ko yung dalawa.

"Ayan?di ka pa nasanay sa mga yan lalo na sa isa diyan" sabi sakin ni Chloe kaya napasimangot nalang ako.

"Alam mo naman yung mga hayop diba laging nagpapatawa kaya dapat masanay kana" sabi niya sakin. ayan nanaman sila parang aso't pusa dapat pala kay Shane na 'ko nagsabi atleast matino pa yon.

"Ano ka naman? taong bundok hahahaha" pang-aasar ni Miguel kay Chloe.

Iniwan ko na yung dalawa at diretsong pumunta sa classroom. mabuti nalang pala di ako late. Si Simon nakasunod sakin habang si Miguel di ko alam nakikipagasaran nanaman siguro kay Chloe kaya natagalan.

"Pst!gail" kanina ko pa kasi di pinapansin silang dalawa kasi inasar nanaman nila ako.

"Libre kita recess" magic word.

Tumingin ako sa likod tsaka ngumiti "sige! hehe" masayang sabi ko sakanya kaya natawa nalang siya.

Inaayos ko yung bag ko nang biglang pumasok si Miguel sa loob nang classroom. "bat niyo naman ako iniwan don sa taong bundok na yon" singhal niya samin. sasagutin ko na sana siya nang biglang may pumasok na teacher kaya napatahimk nalang siya at dali-daling tumabi sakin.

"Hmpt!" parang babae lakas magtampo.

May binulong naman sa likod ko si Simon "wag mo siya pansinin. pfttt hahaha" kahit naman di sabihin ni Simon sakin yon di 'ko talaga siya papansinin.

Natapos na yung tatlong class at recess na kaya napaunat ako "hay!nakakatamad magaral"

Tinapik ako sa balikat ni Miguel "Gragraduate din tayo" akala ko ba galit to? bigla bigla nalang namamansin.

Tumayo na 'ko at sumunod kay Simon napapalabas na nang classroom "hoy wait niyo ko!" sigaw niya samin.

"Akala ko ba galit ka samin?" singhal ni Simon kay Miguel.

"Joke lang yon ano kaba" inakbayan niya naman si Simon "puntahan na natin sila Alyanna"

Magkaakbay sila kaya natatawa nalang ako kasi mukha silang magjowang bakla hahahaha.

Nasa tapat na kami nang classroom nila Shane dahil magkakatabi lang naman yung classroom namin malayo lang nang onti. Class 1 kasi sila Class 2 naman kaming tatlo. wala matalino sila e.

Habang naghihintay kami dumaan naman sa harap namin sila Louie kasama si Amber puta bad mood na agad ako. inirapan ko si louie kaya napangisi nalang siya.

Papaalis na sana sila pero bigla naman nito tinawag ni Miguel si louie "Louie pare, sorry pala sa nangyare kahapon" natatawang sabi ni Miguel tapos tumingin pa sa gawi ko kaya inirapan ko si Miguel.

Humarap naman si Louie kay Miguel "okay lang nagkasundo na naman kami, diba Gail?" hala teka! bat bigla akong napasali sa usapan? putcha cennat dadi ang bango kahit ang layo!

"H-ha? ano oo hehe" utal na sagot ko kaya napatingin nalang ako sa pintuan nang classroom nila Shane.

"Sige tol salamat" sabi ni Miguel kaya humarap na ko at sinapak si Miguel sa balikat "aray! ano nanaman ba!" sasagutin ko na sana siya pero lumabas nalang bigla sila Shane sa harap namin kaya hindi ko 'na napatulan tong baklang to.

"Tara na!" sabi ni Simon samin kaya sabay sabay na kaming pumunta sa canteen.




kev :))

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon