34
Louie's POV
Isang lingo na ang pag-iiwas at pag pansin kay Ellie kaya nakaramdam ako nang kaba.
Pano kung iba na gusto niya? mahal niya? puta ang hirap naman nang ganito. Sunod-sunuran lang ako kay Amber dahil baka kung ano pa ang gawin niya kay Ellie. bakit ba di ko naisip na baliw 'to?!
Sinama niya ko sa mall dahil may bibilhin daw ito. hindi ko alam pag ako kasama niya parang ibang tao siya. Demonyong demonyo. pero pag may taong nakakakita sakanya daig pa ang tuta sa sobrang bait tignan.
"Ano may kailangan ka pa ba?" inis na tanong ko dito pero ngumiti lamang ito nang nakakaloko. amputa.
"Yes, tara na" malawak na nakakatakot na ngiting sabi niya sa'kin.
Papunta na sana ako sa counter pero pinigilan niya naman ako kaya wala akong nagawa. Lumapit ako para malagay niya sa lalagyan pero may nahulog na mga pens sa sahig kaya napatingin kami. wala namang tao?
Paalis na'ko sa section na binilhan nang makita ko si Ellie. my girl.
"Elisha" bati ko sakanya. kung pwede lang hampasin si Amber ginawa ko na.
Lalapit pa sana ako nang may nakita akong lalakeng kasama niya. Amputa! kailan pa nahilig si Ellie sa singkit?
"Sino yan?" sambit nong lalake. anong sino? ikaw sino?! mukhang naguguluhan pa ang mukha ni Ellie. kilala ba ni Ellie 'to?
"Love, let's go" sambit nang lalake at dinala ang Dog Food na hawak ni Ellie. love?! aso ko din naman si lou.
"Mukhang nakamove-on na agad ang love of my life mo" demonyong sabi ni Amber sa'kin.
Ngumisi naman ako sakanya "natutuwa ka pa? ikaw may gawa nito diba?"
Bigla naman nagbago ang itsura niya at parang nagpapa-awa. Puta sanay na 'ko diyan.
Pagkatapos mabalot ang mga pinamili niya nakita ko silang magkakaibigan kasama yung lalake at mukhang nasisiyahan pa ang mga ito. Nang makita nila ako kasama si Amber bigla naman nagbago ang kani-kanilang aura nila. sana maintindihan niyo 'ko.
"Elisha Gail" seryosong sabi ko kaya napatigil si Ellie pero hinawakan ito nong lalake at kinuha din naman ni Miguel.
"Pwede na ba 'ko umalis?" sambit ko kay Amber.
"Ang bigat nito" sagot niya sakin.
"Nagpasama ka lang di mo 'ko kargador" sambit ko at tuluyan nang umalis. sino ba yung lalakeng yun?
Nakauwi na ko pero hanggang ngayon iniisip ko padin ang lalakeng yun kaya naisipan kong pumunta sa bahay ni Ellie. ilang oras ako naghintay para lang makakuha nang huling yakap sakanya. pinaliwanag ko ang lahat na nangyari pero hindi na ito naniniwala sakin. nawala na.
Maraming nangyari nong araw na yon na-aksidente si Miguel. buti nga ang sakit kaya nang sapak niya. kinidnap ko saglit si Ellie para pumunta sa lugar na pinakagusto ko. sinayaw ko siya. ulit. masaya pa ba pag nawala siya? ang hirap.
Niyakap ko siya nang sobrang higpit, wala eh natalo ako. pero babawi ako. umiyak siya nanaman dahil sakin. deserve ko ba 'tong babaeng 'to? susuko na ba 'ko?
"If this is going to be our last hug, I'll hug you tighter so you can feel my heartbeat racing because of you" malungkot na sabi ko.
Pagkatapos nang pangyayaring yon naiwan na 'ko mag-isa. babawiin kita hindi lang ngayon. soon. Diretso akong pumunta sa ibang bansa dahil mahirap iwasan. babalik ako.
"Excuse me, get your ass of the table" striktong sabi nang babae sakin. nasa Bar ako ngayon sa States agad dahil hindi pa 'ko nakakamove-on sa nangyari sa Pilipinas.
"What do you mean?" naguguluhang sabi ko. mukhang buntis to? bakit nasa bar 'to?
"That's my table so please step aside and find some table because this is mine" paliwanag nito sakin. nainis naman ako.
"Table daw niya wala namang pangalan, hay babae nga naman" bulong ko pero narinig niya ito. hindi naman siya Pilipino bat niya maintindihan.
"Gago ka pala eh, bago ka pa nga lang dito eh!" sigaw niya sakin. nagulat naman ako sa sinabi niya. Pilipino siya?
"Ako? naintindihan mo?" naguguluhang sambit ko.
"Pilipino ako malamang" inis na sabi niya.
Hay bahala na maka-alis na nga. diretso lang ako lumabas pero may may biglang kumalabog kaya napatingin ako. Shit! nahimatay. ako may kasalanan?!
Mabilisan ko itong dinala sa Hospital at nalaman ko na buntis na pala talaga ito. kailangan ko naman na umalis kaya nag iwan nalang ako nang note sa cellphone number at pangalan ko.
Halos isang buwan ko naglilibot sa States pero hanggang ngayon naiisip ko padin siya. ang lala mo louie. balak kong mag Bar pero may tumawag saking Unknown Number at ito yung babaeng nahimatay dahil ata sakin nagyayayang makipagkita. Natalia ang ganda nang pangalan pero mas maganda padin sa aking mahal.
"Hula ko, broken ka noh?" natatawang sabi niya sakin.
"At anong pake mo don?" inis na sabi ko naging seryoso naman ang mukha niya.
"Wala eh same tayo hahaha, iniwan ako nang jowa ko bobo kasi magpapakasarap tapos ngayong may nabuo ano iiwan ako?" natatawang sabi niya habang tinuturo ang kanyang lumalaking tyan.
"Gusto mo ako tatay niyan?" serysong sabi ko sakanya napatigil naman ito saglit at biglang tumawa nang malakas. Baliw din ata 'to.
"Hoy! hahahahaha kahit pogi ka hindi kita bet noh, mahal ko padin tatay nito slight pero mas mahal ko si Art" ngiting sabi niya sakin.
"Hindi sa tatay, hindi din kita type noh! may babalikan pa 'ko sa Pilipinas" sambit ko sakanya.
Ngumiti naman ito sakin.
"Edi goods! para pag bumalik ka pag nagkababy kayo may experience kana!" natatawang sabi nito sakin.
Dahil sa paguusap nayon naging magkaibigan kami. nagtapos muna ako nang pag-aaral at nagtrabaho. Nanganak na si Natalia at Art Sebastian. pero gago kamukha ko! pinaglihian kasi ako eh. Kadalasan nasa bahay ko si Art dahil nag-iipon si Natalia para sakanila. sabi ko tutulong ako pero ayaw naman niya kaya bahala siya. kada Birthday kami ang kasama ni Art kaya hinayaan ko itong tawagin akong "Dada"
"Dada, dada" pagsasalita nito napatingin naman ako dahil may tinuturo ito sakin. Picture ni Gail. Pinapicture frame ko ito para iisipin kong lagi ko itong kasama.
Palaki nang palaki na si Art kaya naisipan ni Natalia na umuwi nang Pilipinas at gusto niya sa bahay ko sila titira.
"Abusado ka ah" ngusong sabi ko kay Natalia.
"Kung walang Natalia, wala kang Art ngayon kaya para makatipid din kami" ngising sabi niya sakin.
"Halos kamukha ko nga anak mo eh!" sigaw ko sakanya natawa naman ito.
"Ayaw mo non pag-uwi natin iniisip ni Elisha na may anak ka para wala ka na talagang pag-asa" natatawang sabi niya sakin.
"Demonyo ka talaga, buti di nagmana si Art sayo"
"Oh talaga ba stalker?" ngising sabi nito sa'kin kaya binato ko ito nang unan pero nakita ni Art kaya nagalit ito.
Kahit nandito ako sa States nakikita ko parin Social Media's niya. Stalker man tawag don gusto ko lang makita kung okay siya at san siya nakatira para pag-uwi namin makita ko na agad siya. Nagpromise ako. babalik nga ko diba? aangkinin kita.
"5 years" bulong ko sa sarili.
Kev :))
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...