18
"Nagustuhan mo ba?" ngiting sabi sakin ni alyanna. siya kasi nagprepare nitong lahat. mahilig kasi siyang magdesign design nang kung ano-ano.
Tumango ako at ngumiti "thankyou alyanna" ngumiti naman ito at yumakap.
"Hoy baka umiiyak na si gail sa tuwa ah" sigaw ni Simon. may hawak pa itong pizza.
Tinaasan naman nito ni alyanna nang kilay kaya umiwas na nang tingin si Simon.
"Tara na" hinatak niya na 'ko papuntang sala para umupo pero syempre di ko nanaman katabi si louie. sad.
"So guys alam ko namang bawal pa samin ang alcohol pero nagorder nadin ako baka kasi gusto niyo" sabi ni alyanna kila felix. mas matanda kasi sila.
"Yonn! salamat" binigyan niya sila felix pero si miguel wala.
"Wala ako?"
Ngumiti naman si alyanna "kumuha ka don wag kang tamad"
"Daya! may favoritism" padabog itong pumunta sa kusina para kumuha nang alak.
Tawanan lang kami nang tawanan hanggang sa dumating si miguel na may hawak na cake. rainbow cake pa talaga!
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, happy birthday, happy birthday happy birthday sayo!" kanta nila sakin, nakisali pa sila louie don kaya mas ngumiti ako nang malawak.
Bl-blow ko na sana yung candle pero nilayo ito ni miguel. yumuko ito "makikiramay po ako sa yumao naming kaibigan rest in pea- aray!" binatukan ito ni chloe.
"Panira ka nang moment tignan mo oh" tinuro niya ako "iiyak na sana siya pero bumalik sayang di napicturan bwiset ka talaga" singhal niya kay miguel. ay grabe siya oh.
"Chloe alam mo same tayo napakaepal niyan ni miguel" singit ni rayanne "sige na make a wish first" ngiting sabi niya sakin.
Pumikit ako para magwish. pagkatapos ko magwish binlow ko na ito kaya napahiyaw sila.
"Magdadalaga na si gail!" sigaw ni Simon.
Umirap naman ako "gago ka"
"Hoy akin yung candy!" sigaw ni felix.
"Akin isa!" sigaw naman ni miguel.
Napatingin namin si simon "hati tayo!"
Napailing nalang ako sa inaasal nila. parang mga bata.
"Di sila nagbago noh?" si rayanne pala. ngumiti naman ako at tumango "may dumagdag pa" nginuso niya naman si Simon.
"Mabait yan"
Napatingin naman si rayanne sakin "alam ko naman grabe ka!"
Napatigil kami sa paguusap nang lumapit si louie. "pahiram si elisha" kahit wag mo na 'kong hiramin iyong iyo naman ako. charot!
"Hmm" napatingin naman ako kay rayanne na nakangisi sakin. hala tamang hinala oh.
Pumunta kami sa veranda kasi masyadong maingay kaya baka magulo pa kami.
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...