Chapter 14

35 12 0
                                    

14


"Hoy tulala ka nanaman?" singhal ni alyanna sakin. isang linggong nakalipas bago mangyari yon at isang linggo ko rin siyang di pinansin. grabe! di ko kinaya yon.

Ngumiti ako "may inisip lang" kilala ko ba si louie dati? bat di ko alam.

"Stop thinking louie, gail" seryosong sabi ni alyanna kaya napatigil ako.

"Hindi naman sa nangigielam ako pero hindi healthy na siya lang lagi mong iniisip. like duh? kasama mo kami pero siya iniisip mo? nakakatampo"

Pero hindi ko lubos maisip na ganon ganon lang yon gusto na niya agad ako? alam kong crush ko siya, pero ang bilis niya magkagusto sakin.

"Sorry na girls" ngumuso ako at tumawa "libre ko nalang kayo pizza para makabawi ako?"

Ngumiti silang pareho "of course!" pizza lang katapat nitong mga 'to.

Habang bumibili kami nang pizza chloe and alyanna noticed something.

"Si miguel ba yon?" tumingin din naman ako "may kasama siyang girl pero di ko makita" i look carefully.

It's erika, ang babaeng gustong gusto ni miguel. naguusap na sila?

Tinignan ko si chloe na halatang nalungkot sa nakita pero hindi ko ito pinansin.

Tumawa si chloe "baka friend niya"

Napailing si alyanna "duh! tayo lang nga yung kaibigang babae ni miguel"

Napakunot naman nang noo si chloe "relatives?"

Hinatak ko sila "hayaan niyo na yan si miguel malaki na yan besides hindi naman tayo nakita so ok lang?" ngumiti naman ako.

Nagkwentuhan lang kami lang kung ano ano hanggang sa maubos yung pizza na kinakain namin.

Pauwi na kami pero chloe seems quiet, hindi sa tahimik talaga pero parang ang onti lang nang words na sinasabi niya hindi lang siguro napansin ni alyanna kasi kwento lang siya nang kwento sa guy na gusto niya.

"Hindi ka talaga sasabay chloe?" tanong ni alyanna kay chloe. umiling naman ito.

"May dadaanan lang ako saglit" kumaway na ito sa amin.

"Okiee! bye ingatt!" sigaw ni alyanna. ngumiti naman ako kaya tuluyan na kaming umalis.

Nagpahatid na'ko kila alyanna dahil sinundo siya nang daddy niya hassle kasi kung magcocommute ako traffic pa naman.

Seryosong tumingin si alyanna sakin kaya napanguso ako "what?" ano nanamang ginawa kong masama?

"May napansin ka ba kay chloe?" so napansin niya din pala.

Nagkibit balikat ako "yup? pero di ako sure" malay mo kasi.

Nanahimik lang si alyanna pero parang iniisip niya padin si chloe. "hoy, hayaan mo na sasabihin niya din yon"

"Okay"

Ilang minutong nakalipas hanggang sa nakauwi na ko nang bahay. nagpaalam na muna ako kay tito at alyanna.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon