Chapter 4

60 13 7
                                    

04


"Bababa na muna ako" magpapark pa kasi siya eh.

"Wag kana muna bumaba iwan mo nanaman ako, sayang kaya load ko" inirapan ko nalang siya.

Matapos magpark nang kotse dali-dali kaming lumabas at pumasok na sa Jam's Arcade.

Papasok palang ako nabubuhayan na yung katawan ko dahil nga isa ito sa paborito kong lugar.

Bumili muna ako nang dalawang pack nang token yung isa kay Miguel, binato ko ito sakanya "utang mo sakin yan ha!"

"Thankyouu!" sigaw niya sakin at naglakad na 'ko palayo.

Tinext ko muna si Miguel na sasabay ako umuwi dahil tinatamad ako magcommute.

To: Miguelito

Sasabay ako sayo ah, laro lang muna ako.

Nilagay ko na sa bulsa yung phone ko at binuksan ang kurtina para maglaro nang paborito kong laro.

Dali-dali akong naglagay nang token sa laro at pinindot ang start button.

Pinagpapatay ko lang yung mga kalaban sa laro pero bigla akong nadistract sa narinig ko.

Tumingin ako sa kabila kung merong tao pero wala naman kaya tinuloy ko na ito.

"Hmmm" amputcha ungol yung naririnig ko!

Mapapatay ko na sana yung isa kaso bigla akong namatay "punyeta naman kasi!" sino ba kasi yon? naririndi ako sa naririnig ko!

Tuloy tuloy ko lang naririnig yong ungol na yon hanggang sa nainis na 'ko at nilapitan ang kabilang pwesto.

Papalapit ako nang papalapit nang may biglang sumigaw "Louie fuck!" Louie? puta dito pa naghahalikan! nagtago ako sa gilid at tinignan kung sino iyon. school uniform namin 'yon ah.

Pagkataas nang mukha 'nong lalake nagulat ako na si Louie pala yong lalakeng yon. putcha ang harot pala neto akala ko goodboy!

Tuloy tuloy lang sila sa kanilang ginagawa kaya nakaisip ako nang plano. nilabas ko yung phone ko at pinicturan ko sila. tinignan ko muna kung maayos yung picture ko at natuwa naman ako dahil kitang kita na si Louie yung lalakeng nakaupo sa gilid.

"What the Hell!" putcha! nakita nila ako kaya tumakbo ako nang mabilis at mabilis na tinawagan si Miguel.

"Fuck! sumagot ka!" naiinis na 'ko kasi gusto ko nang umuwi pero hanggang ngayon di parin siya sumasagot. no choice ako kailangan kong magcommute.

Papalabas na 'ko nang may humatak nanaman sakin. si miguel "Miguel kanina pa kita hinaha-" putcha pano ako nito nahanap.

"Oh louie,nandito ka?" pilit kong pinapakalma yung sarili ko dahil baka mahuli niya kong nagsisinungaling.

"Pahiram ako nang phone mo" seryosong sabi niya sakin.

Ayoko nga" lumayo ako sakanya pero bigla niyang hinatak yung bewang ko kaya sobrang lapit na nang mukha namin sa isa't isa.

"Give it to me" bulong niya sakin. punyeta mama help! ang pogi!

Wala di na 'ko nakatiis kaya bigla kong sinampal yung mukha niya kaya napatingin yung mga tao samin.

"Manyak!" sigaw ko "Manyak po kuya huhu" sabi ko sa lalakeng nakatingin samin.

"What the hell?!" sigaw niya sakin "ako manyak?" lumalapit nanaman siya sakin.

"Oh kuya oh lumalapit siya sakin manyak talaga huhu mama help" jusko po patawad lord sa mga sinasabi ko.

"Hoy gail!"napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Miguel.

"Miguel!" nagpanggap parin akong natatakot sa harap nang mga tao baka kasi sabihin nilang baliw ako.

"Miguel, Si Louie Manyakis!" sumbong ko sakanya, sorry christian pero kailangan ko talagang gawin 'to.

"Ano manyak?! ikaw minanyak?" imbes na tulungan ako ni Miguel tinawanan niya lang ako. gago talaga sabi ko na nga bang di ako matutulungan nitong hayop na 'to eh.

"Sorry po hahahahahaha" napaupo pa siya sa sahig amputa?

"Sorry po! pabayaan niyo nalang po siya" naiiyak na sabi ni Miguel kasi puta tawa nang tawa naiiyak pa. lagot ka talaga sakin Miguelito.

"Louie pare" nilapitan niya pa si Louie"pagpasensyahan mo na 'tong si gail ay este Elisha pala may pagkabaliw kasi yan hahahahaha"

Amputcha naiinis na ko.

Sinuntok ko nang malakas sa braso si Miguel "di ka titigil? kanina ka pa ah" bwiset na 'to mamamatay na ata kaya di makapagpigil nang tawa.

"Kanina pa kita tinatawagan ba't di ka sumasagot?" tanong ko kay Miguel potek kung sumagot kasi 'to sa tawag niya edi sana di mangyayari 'to.

Lumapit si Miguel sakin "busy ako diba?" bulong niya sakin.

"Tara na alis na tayo" hatak ko kay Miguel.

"Teka di pa tayo nagpapaalam kay ano" wala na siyang nagawa kasi hinatak ko na siya.


"Saglit" puta bigla naman kaming napatigil dahil biglang nagsalita si Louie.

Papalapit nang papalapit sakin si Louie at biglang may binulong sa tenga 'ko kaya kinalibutan ako "di pa tayo tapos" puchanginers mader dear ang husky nang boses niya! heaven!

Pagkatapos niya sabihin yon bigla nalang siya naglakad papalayo saamin.

Tsaka lang ako natauhan nang niyugyog ni Miguel yung balikat 'ko "Hoy! ayos kalang?" nagaalalang tanong sakin ni Miguel.

Tinanggal ko yung pagkakahawak sakin ni Miguel "o-okay lang ako ano ka ba" nauutal pa talaga ako "tara na hatid mo na ako sa bahay" sabi ko sakanya at mabilis na naglakad palalayo.

"Teka ang bilis mo nanaman!" sigaw sakin ni Miguel at habang pilit na inaabutan yung lakad ko.

Binuksan na ni Miguel yung pintuan nang kotse kaya mabilis akong pumasok sa loob, umikot naman si Miguel sa Driver's Seat.. bigla naman siya tumingin sakin.

"Ba't ka nanaman nakatingin?" naiinis na tanong ko sakanya.

"May nangyare kanina 'no?" ngising tanong sakin ni Miguel

"Wala bilisan mo na gusto ko na umuwi" sabi ko sakanya pero mukhang hindi naniniwala si Miguel sa sinabi ko kaya tinignan ko siya nang masama.

"Oo na iistart na nga boss " sabi ni Miguel at tuluyan nang umalis sa Arcade.

Ano bang nangyayare sayo Elisha Gail?




kev :))

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon