13
"Goodmorning manang!" ngiting bati ko sakanya.
"Maganda ata gising mo ah?" na'ko manang kong alam mo lang.
"Slight po hehe" tumingin ako sa niluto ni manang. bat ang dami?
"May bisita po ba?" takhang tanong ko. onti lang naman magluto si manang nakakapagtaka.
"Kamiii!!" napatingin naman ako kung sino yon. sila shane kasama si louie tsaka sila Cy tsaka Jeyde. bat nandito tong mga 'to?
Tinaasan ko ito nang kilay "bakit? wala kayong mga bahay"
Inakbayan ako ni Simon kaya tinignan ko ito nang masama "hoy babes pumunta lang naman kami dito dahil may goodnews ka daw sabi ni louie diba pre?" goodnews? ano daw?
Tinignan ko si louie pero nagkibit balikat lang ito.
"Wala baliw sige kain kayo" nagsiupuan naman sila. tatabi sana ako kay louie kaso hinatak ako nito ni Miguel. panira
"Salamat manang" ngiting sabi ni Miguel.
"Nako! kumain kayo nang marami lalo kana Miguel pumayat ka juskopo!" singhal niya. nay ako alaga mo hindi si Miguel.
Nginitian namin ito ni Miguel tumingin ako kay louie at nahuli kong nakatingin ito saming dalawa nang masama. problema nito?
Kinurot ko si miguel sa hita kaya napatingin siya sakin "ano?" pinalapit ko ito para di marinig nang iba.
"Ba't nandito silang tatlo?" bulong ko. ano yon bigla nalang sila naging magkaibigan.
"Pinasama ni simon" bulong niya naman sakin.
"Bakit?" lumapit pa ko para walang makarinig.
Nagkibit balikat ito "malay" ngusong sabi niya sakin.
"Hoy kakain na!" sigaw ni chloe. natawa naman kaming pareho.
"Crush mo lang ako eh" ngising sabi ni Miguel "aminin mo na kasi nagseselos ka lang"
Nilabas ni chloe yung middle finger niya at pinakita kay Miguel "ito ka oh"
Natawa kaming lahat dahil nagsisimula nanaman sila sa asaran nilang dalawa. tahimik akong kumain habang pinagmamasdan ko si louie na nakatingin nang masama.
"Bakit?" di niya ko sinagot pero inirapan niya lang ako. hala attitude!
Papainom ako nang tubig nang may sinabi si louie.
"Liligawan ko si Elisha" putcha! bigla kong nabuga yong ininom kung tubig. tumingin naman ako sa mga kasama ko na tila nagulat din pero si miguel at simon parang wala lang nangyare.
"Puta" sabi ni alyanna. "wahhh!!"
"Kumakain hoy" sita ni Shane kaya napatahimik ito.
"P-paano?" tumingin si Chloe sakin pero umiwas ako "bat di namin alam?"
Napatingin naman silang lahat sakin "hala bat ako? ako nga din di ko alam eh"
Ginulo ni Miguel yong buhok ko "dalaga kana gail" sinamaan ko ito nang tingin.
Wala nang nagtanong kaya pinagpatuloy nalang namin ang pagkain.
"Malalate na kayo jusko tong mga batang to!" sigaw niya Manang "umalis na kayo dali dali!"
"Bye po!"
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...