22
"Wala kang plano ngayong araw?" tanong ko kay Louie. umiling naman ito.
"Wala kang naaalala?" tanong ko pa ulit sakanya. ano di niya talaga alam?!
Napakunot naman ang noo nito hahang nakatingin
sakin."May dapat ba 'ko maalala?" bwiset di niya talaga naisip yon!
"Wala! bwiset ka lumayas ka sa bahay ko!" tila nagulat siya sa sinabi ko.
"Babe naman"
"Ano?!" hinawakan niya yung balikat ko kaya di ako makaalis.
"Di naman ikaw binisita ko ah? si lou kaya" nginuso niya pa si lou. Ahhh!!
"Bwiset ka!! lumabas ka nalang nang kwarto nangigigil ako sayo" papalabas na sana ito pero nakita kong hawak niya si lou kaya tinigilan ko ito.
"Iwan mo si lou dito" napatingin naman siya sa akin.
"Ayoko nga" nilayo niya pa si lou.
"Akin yan" singhal ko sakanya.
"Ako naman bumili" akin nga sabi eh!!
"Lou, come" nong narinig yon ni lou bigla siyang bumaba kahit na hawak na hawak siya ni louie. mas mahal niya ko.
"Labas na" utos ko sakanya.
Tila nanghinayang yung mukha niya nang nasa akin na si lou "Traydor kang aso ka" bulong niya.
"Ano?!" sigaw ko.
"Wala!" padabog niyang sinara yung pinto ko. Aba! nagdadagbog pa talaga.
"Baby, wag ka gagaya sa daddy mo ha?" tumahol naman ito na parang naiintindi niya.
"Monthsary namin tapos nakalimutan niya? bwiset!" sigaw ko kaya lumayo nang onti si lou sakin. ay sorry!
"Matulog nalang tayo lou!" tumahol naman ito. humiga na ako at tumabi na rin si lou sakin. nawawala galit ko hay!
Nakaidlip lang ako nang biglang nagring ang aking telepono.
"Hmm?"
"Ay tulog ata pre"
"Hindi tulog yan baliw!"
"Sino 'to?" di ko pa mabuksan mata ko sakit kaya.
"Aba! di mo sinave number ko?!" sigaw nito sa kabilang linya kaya inatras ko ang telepono sa aking tenga at tinignan kung sino ito.
Puta, si miguel lang pala, akala ko kung sino.
"Bakit?"
"Anong bakit?! ba't di nakasave number ko sayo ha?! aminin mo!" parang tanga naman.
"Nakasave baliw, hindi ko lang nakita agad nakaidlip ako"
"Nakaidlip pala pre para ka namang tanga!"
"Tanga ka din hoy" nagaaway nanaman ang mga 'to.
"Hoy ano? ba't ba kayo tumawag?"
"Kain tayo sa labas" sagot ni Miguel sakin.
"Tinatamad ako"
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...